HALIMBAWA NG PALAISIPAN – Mga Halimbawa Ng Mga Bugtong Ito
HALIMBAWA NG PALAISIPAN – Narito pa ang mga iba’t ibang mga halimbawa ng palaisipan o mga bugtong nga kailangan nating alamin at sagutin.
Kilala rin bilang bugtong, pahulaan, o patuturan, ito ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan.
Heto ang halimbawa ng mga bugtong ito. Muli, para makita ang sagot, i-highlight ang nakakulay na mga kahon na parang ganito:
Halimbawa
Matapang ako so dalawa, duwag ako sa isa. Ano ito?
KAWAYANG TULAY
Isang butil na palay, sikip sa buong bahay. Ano ito?
LIWANAG
May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. Ano ito?
KUMPISALAN
Nang maala-ala ay naiwan, nadala nang malimutan. Ano ito?
DAMONG MAKAHIYA
Anong nilalang ng Dios na laylay ang ulo kung matulog?
PANIKI
Naka-kapa ay hindi naman pari. Naka-korona ay hindi naman hari. Ano ito?
TANDANG
Bahay ni Santa Ana napaligiran ng espada. Ano ito?
PINYA
Ang ina ay gumagapan na, ang anak ay nauupo na. Ano ito?
KALABASA
Ang bintna ay pito, naisasara lamang ay tatlo. Ano ito?
MUKHA
Dalawang balahibuin, nakatutuwang pagdikitin. Ano ito?
MATA AT PILIKMATA
BASAHIN DIN – Halimbawa (July 19, 2019)