Kabanata 15 El Filibusterismo – “Si Ginoong Pasta” (BUOD)

Kabanata 15 El Filibusterismo – “Si Ginoong Pasta” (BUOD)

KABANATA 15 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 15 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 15 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabinlimang kabanata.

Ang Kabanata 15 ay may titulo na “Si Ginoong Pasta” na sa saling Ingles ay “Señor Pasta”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tumungo si Isagani sa tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking katalinuhan. Lumalapit ang mga pari sa kanya uang maghingi ng payo kung nasa isang gipit na sitwasyon.

Nakipag-usap si Isagani sa kay Pasta tungkol sa kanilang balak. Nais niyang kausapin ng Ginoo si Don Custodia at mapasang-ayon ito.

Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo.

Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ni Pasta ang kaniyang pasya. Ayaw niya raw makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ni Ginoong Pasta.

BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 14 – Sa Bahay Ng Mga Mag-aaral
Kabanata 16 – Ang Kasawian Ng Isang Intsik

Leave a Comment