Kabanata 9 El Filibusterismo – “Ang Mga Pilato” (BUOD)
KABANATA 9 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 9 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikasiyam na kabanata.
Ang Kabanata 9 ay may titulo na “Ang mga Pilato” o sa Ingles ay “Pilates”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.
“Ang Alperes o Tenyente ng Guardia Sibil? Ano raw ang kasalanan niya?”
Kaya lamag daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon at hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales at hindi niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales.
“Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales?”
Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas. Kung tignan siya ay parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.
“Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli?”
Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil hindi marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Nakauwi si Tales sa tulong ng salaping napag bilhan ng mga alahas ni Huli at nautang nito kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga Kura at gumawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 8 – Maligayang Pasko
Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan