Panunumpa ng Katapatan sa Watawat – Isang Pambansang Panata

Panunumpa ng Katapatan sa Watawat – Isang Pambansang Panata

PANUNUMPA NG KATAPATAN SA WATAWAT – Ating alamin ang isang pambansang matatag na panata na Panunumpa sa Watawat.

PANUNUMPA NG KATAPATAN SA WATAWAT

Sa bawat seremonyang watawat (flag ceremony), lagi nating ginagawa ang dalawang bagay: Una, ang pagkanta ng pambansang awit na “Lupang Hinirang”; at ikalawa, ang pagbigkas ng dalawang panunumpa. Ang isa sa kanila ay walang iba kundi ang panunumpang ito. Ano kaya ito?

Kilala rin bilang Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas, ito ay isa sa mga dalawang pambansang panunumpa. Ang saling Ingles nito ay “Pledge of Allegiance to the Philippine Flag”. Ang isa pang panunumpa ay ang “Panatang Makabayan” (Patriotic Oath).

Ito ay naging legal na panunumpa sa bisa ng Executive Order No. 343 na pinatupad ni dating presidenteng Fidel V. Ramos noong Hunyo 12, 1996.

Ito ang buong teksto ng panunumpa:

Tagalog
Ako ay Filipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa.

English
I am a Filipino
I pledge my allegiance
To the flag of the Philippines
And to the country it represents
With honor, justice and freedom
That is put in motion by one nation
For the love of God, People, Nature and
Country.

Leave a Comment