PANITIKAN – Ano Ang Mga Anyo At Mga Akda Nito?

PANITIKAN – Ano Ang Mga Anyo At Mga Akda Nito?

PANITIKAN – Sa paksang ito, ating aalamin at tutuklasin ang dalawang anyo ng panitikan at ang mga iba’t ibang mga akda nito.

PANITIKAN

Ang panitikan ay tinutukoy sa lahat ng uri ng pahayag, nakasulat man o binibigkas. Ang saling Ingles nito ay “Literature”. Layunin nitong maipakita ang relidad at katotohanan; at makalikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan. May dalawang uri ito: kathang-isip at indi kathang-isip

Narito ang dalawang anyo nito at ang iba’t ibang mga akda:

  • Tuluyan o Prosa (Prose)
    • tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ngpangungusap o pagpapahayag.
    • Ang mga halimbawa ng akdang tuluyan ay:
      • Alamat
        • isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga mga hayop or mga halaman.
      • Anekdota
        • akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.
      • Nobela
        • o tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
      • Pabula
        • akda kun saan amg mga tauhan ay mga hayop
      • Parabula
        • tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
      • Maikling Kuwento
        • ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalano impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
      • Dula
        • uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
      • Sanaysay
        • maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ngpersonal na kuru-kuro ng may-akda.
      • Talambuhay
        • isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na impormasyon.
      • Talumpati
        • isinalysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahadng isang paniniwala.
      • Balita
        • nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa
      • Kwentong Bayan
        • uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan
  • Tula o Panulaan (Poetry)
    • ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
    • Ang mga halimbawa ng akdang tuluyan ay:
      • Tulang Pasalaysay
        • tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo opangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
      • Awit/Korido at Kantahin
        • musikang magandang pinakikinggan.
      • Epiko
        • isinalaysay ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
      • Balad
        • uri o tema ng isang tugtugin.
      • Sawikain 
        • tumutukoy ito sa:
          • idioma – isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
          • moto – parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupong mga tao
          • salawikain – mga kasabihan o kawikaan.
      • Bugtong
        • pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.
      • Tanaga
        • tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.

Leave a Comment