Share to Facebook Share to Twitter More...

Sino Ang Mga Karakter Sa Kwentong Ibong Adarna? (Sagot)

IBONG ADARNA
Image from: Pinterest

IBONG ADARNA – Sa paksang ito, alamin nating ang mga tauhan ng isang sikat na epikong Pilipino na tinatawag na ang Ibong Adarna.

Ang epikong ito ay isang tulang pasalaysay na kinilala rin sa boung pamagat niya na “Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania”.

Pinaniniwalaan na isinulat nito ni Jose de la Cruz sa palayaw na Huseng Sisiw. Ito rin ang isa sa mga pinakamahalagang tula sa Panitikang Pilipino at pinapaaral at ginagawang teatro sa unang taon ng hayskul.

Mga Tauhan

Narito ang mga tauhan, ayon sa KapitBisig:

  • Ibong Adarna
    • Ang engkantadong ibon. Nagpapahinga ito sa punong may mga pilak na dahon kung sumasapit ang hatinggabi. Pitong beses itong umaawit na kung saan ang bawat awit ay nag-iibang anyo ang plumahe
  • Hering Fernando
    • Ang makatarungan at makatuwirang hari ng Berbanya at ang ama ng tatlong prinsipeng si Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.
  • Reyna Valeriana
    • Ang asawa ni Haring Fernando at ang ina ng tatlong prinsipe ng Berbanya
  • Don Pedro
    • Ang panganay na anak ng mga monarkiya ng Berbanya. Isang magiting na mandirigma si Don Pedro
  • Don Diego
    • Ang ikalawang anak ng mga monarkiya ng Berbanya at sunud-sunuran ni Don Pedro.
  • Don Juan
    • Ang natatanging prinsipe at ang bunsong anak ng mga monarkiya ng Berbanya. Siya ay matuwid at nagmana ng pagiging makatarungan at makatuwiran ng amang hari.
  • Matandang Leproso
    • Ang matandang pumayo kay Don Juan na bumisita sa Ermitanyo bago hulihin ang ibon.
  • Ermitanyo
    • Ang napayo kay Don Juan ng mga kailangan niyang gawin para hulihin ang ibon.
  • Donya Juana
    • Ang prinsesang iniligtas ni Don Juan mula sa higante
  • Donya Leonora
    • Ang prinsesang iniligtas ni Don Juan mula sa serpyenteng may pitong ulo.
  • Donya Maria Blanca
    • Ang prinsesa ng Reyno Delos Cristal at ang anak ni Haring Salermo
  • Haring Salermo
    • Ang hari ng Kaharian ng Delos Cristal na may mahikang itim

READ ALSO: Sino Ang Mga Karakter Sa Florante At Laura? (Sagot)

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Sino Ang Mga Karakter Sa Kwentong Ibong Adarna? (Sagot)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.