Buod Ng Uhaw Na Tigang Na Lupa Ni Liwayway Arceo

Buod Ng Uhaw Na Tigang Na Lupa Ni Liwayway Arceo

UHAW NA TIGANG NA LUPA – Sa paksang ito, ating babasahin ang buod ng kwentong Uhaw Na Tigang Na Lupa na isinulat ni Liwayway Arceo.

UHAW NA TIGANG NA LUPA

Ang kwentong ito ay isinulat ng isang akang piksyonista, journalist, radio scriptwriter, at editor na si Liwayway A. Arceo.

Narito ang buod na galing sa website na VDocuments:

Ang ilang bagay sa kanyang ina tulad ng hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi ay naging kapansin-pansin sakanyang anak na dalagita.

Hindi palakibo, matipid kung makipagusap, bihirang magalit, at may ngiting parang patak na ulan kung tag-araw ang ugali ng kanyang ina. Ang puso naman ng dalagita ay parang lupang tigang na uhaw na uhaw.

Ang pagsasalita ng kanyang ama ay palagi niyang namamalas habang nagmamakinilya ng pagbabasa nito. Pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.

Makalipas ng ilang taon, may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina. Kinabukasan, lumuluha na ang kanyang ina at lalo nang naging malingkot at tahimik.

Isang gabi, umuwing lasing ang kanyang ama. Dumaing na masakit ang kanyang ulo at dibdib. Ilang araw nang naratay ang ama at hindi hiniwalayan ng kanyang ina, na hindi ipinagtapat ito sa anak.

Nakita ng anak sa hapag ng kanyang ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama. Nang binuksan niya nalaman niyang ang larawan nito ay hindi ang kanyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.

Hiningi ng ama ang mga sulat subalit tumanggi ang anak. Nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatin, ayon sa ama na nagsasabi na ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig.

Naging malubha ang kondisyon ng ama at malimit na mawalan ng malay habang ang ina naman ay patuloy sa pagbabantay na walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.

Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.

Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.

Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”

Kinagat ng ina ang kanyang labi at nagsabi na maangkin na iyon ang kanyang mahal.

Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

BASAHIN DIN: Sino Ang Mga Karakter Sa Kwentong Ibong Adarna? (Sagot)

Leave a Comment