Share to Facebook Share to Twitter More...

Buod Ng Alamat Ni Mariang Sinukuan – Tungkol Sa Diwata Ng Arayat

ALAMAT NI MARIANG SINUKUAN – Sa paksang ito, narito ang buong buod tungkol sa alamat ni Mariang Sinukuan, ang diwata ng bundok Arayat.

ALAMAT NI MARIANG SINUKUAN
Image from: Arayat

Ayon sa Aswang Project, Si Mariang Sinukuan ay isang diwata sa bundok ng Arayat sa Pampanga. Isa siyang halimbawa ng mga kilalang diwata sa Pilipinas katulad ni Maria Makiling ng Los Baños at Maria Cacao ng Cebu.

Narito ang buod ng alamat na ito:

May isang napakabait na diwata sa bundok Arayat. Siya si Mariang Sinukuan, ang may-ari ng bundok na ito. Madalas niyang binibiyayaan ang mga tao ng mga pagkain tulad ng prutas, at iba pang likas na yaman.

May nagtangkang magnakaw ng pagkain sa kanyang kagubatan isang araw. Ang sako ay puno ng iba’t ibang klase ng mga prutas na kanilang ninakaw. Habang sila ay umalis sa kagubatan ay naramdaman nilang biglang bumibigat ang kanilang mga dala. Nang binuksan ang sako ay puna na ng mga bato.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na inabus ang kanyang kabaitan. Kaya siya napuno ng galit at pinarusahan niya ang mga tao. Nagutom na sila dahil wala na silang napakinabanggan pang mga likas ng yaman ng kagubatan at mula noon, hindi na muling nagpakita si Mariang Sinukuan.

BASAHIN DIN: MARIA MAKILING – Ang Kuwento Ng Isang Sikat Na Diwata

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Buod Ng Alamat Ni Mariang Sinukuan – Tungkol Sa Diwata Ng Arayat". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.