Ang Pagbabalik – Ang Tula Na Isinulat Ni Jose Corazon De Jesus

Ang Pagbabalik – Ang Tula Na Isinulat Ni Jose Corazon De Jesus

ANG PAGBABALIK – Sa paksang ito, ating babasahin ang tula na isa sa mga ginawa ni Jose Corazon de Jesus na “Ang Pagbabalik”

ANG PAGBABALIK

Jose Corazon de Jesus

Kilala rin bilang Huseng Batute, siya ay isa sa mga pinakakilalang manunula na ginagamit ang patulang Pinoy para iparamdam ang nais ng mga Pilipino na mapalaya sa mga kamay nga mga Amerikano. Kilala rin siya sa kanyang kanta na “Bayan Ko”

Narito ang isa sa mga tula na ginawa ni Huseng Batute na kinuha mula sa website na TagalogLang:

Ang Pagbabalik

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”

Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.

At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!

At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”

At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”

BASAHIN DIN: What Is Propaganda? Meaning And Types Of This Form

Leave a Comment