Buod Ng Kuwento Na Tambuli Ni Ilig Ni Felimon B. Blanco
TAMBULI NI ILIG – Sa paksang ito, ating babasahin ang buod ng kuwento na and Tambuli ni Ilig na isinulat ni Felimon B. Blanco.
Buod
Sa lugar malapit sa Zamboanga Del Sur, may isang pangkat na tinatawag na Subano na pinamumunuan ni Thimuay Gabun at G’libon Hap. Mayroon silang anak na tinatawag na si Ilig.
Nang lumaki si Ilig, nakasama niya at nililigawan niya si Tam. Isang araw pinagusapan nila ang mga banyaga na nais sakupin ang lupa ng mga Subano. Nais ni Tam na maghiganti sa mga banyaga ngunit hindi ginusto ni Ilig.
Nang tumagal, nais na nilang magpakasal at sumang ayon ang kanilang mga magulang. Nag-abala rin ang mga taong bayan sa kanilang pagkasal.
Kinagabihan sa pagsalo nila ay namatay ang mga magulang ni Ilig. Ayon sa mga kalalakihan, dahil ito sa pag-aagaw ng lupa sa kanilang lupa. Matapos na malaman ni Ilig ay ipinaubaya niya kay Apo Megbebaya ang mga namatay niyang mga magulang.
Makalipas ng mga araw ay patuloy pa rin ang pang-aabuso ng mga Banyaga sa mga Subano kaya nais nilang labanan ang mga Banyaga. Ngunit hindi sumang-ayon si Ilig dito. Nais ni Ilig na ibibigay ang lupa sa mga Banyaga at maninirahan sila sa mga kabundukan.
Nagdaan pa ang mga araw ay nag umunlad ang buhay ng mga Subano. Isang araw, sumama si Ilig sa pangangaso kasama si Diut. Nang makalipas, biglang nawala si Ilig. Hinahanap siya ni Bal at Diut at sinabihan nila si Tam na nawawala ang kanyang asawa.
Biglang narinig ni Diut ang Tambuli ni Ilig na isang senyales na “Ipagpatuloy ang kanilang pamumuno kahit pumanaw na si Ilig”. Pinatuloy ng mga subano ang kanilang buhay kahit nawala na ang kanilang pinuno.
BASAHIN DIN: BANSA NG GITNANG ASYA – Mga Bansa Sa Gitnang Asya