Ano Ba Ang Korean Peninsula? Mga Bagay Tungkol Sa Tangway Nito
KOREAN PENINSULA – Sa paksang ito, ating alamin ngayon ang mba bagay na dapat malaman tungkol sa Korean Peninsula.
Ang Tangway ng Korea o tinatawag ng mga taga-Hilaga na Chosŏn Pando (조선반도) at ng mga taga-Timog na Han Bando (한반도), ay isang tangway na nasa Silangang Asya.
Ito ay may haba na 1, 100 kilometro o 680 milya mula sa Asya patungo sa Karagatang Pasipiko.
Ito ay napalibutan ng Dagat Hapon sa silangan, ang Dagat Dilaw sa kanluran, at ang kipot ng Korea na nakadugtong sa dalawang anyong tubig. Noon tinawag itong Joseon, na nakapangalan sa Dinastiyang Joseon at Gojoseon.
Ang Tangway ng Korea ay nabahagi sa dalawang bansa:
- North Korea (Hilagang Korea)
- Ang Demokratikong Republika ng Bayan ng Korea o ang Chosŏn Minjujuŭi Inmin Konghwaguk (조선민주주의인민공화국) ay nasa hilagang bahagi ng Tangway ng Korea
- Ang kabesera nito ay ang Pyongyang
- Ito ay may kalawakan ng 120, 540 square kilometro o 46, 540 square milya, at may populasyon ng higit sa 25 milyong katao (2016)
- Ang pamahalaan nito ay ang unitaryang isang-partidong republika
- Ang presidente nila ngayon ay si Kim Jong-un
- South Korea (Timugang Korea)
- Ang Republika ng Korea o Daehan Minguk (대한민국) ay nasa timugang bahagi ng Tangway ng Korea.
- Ang kabesera nila ay ang Seoul
- Ito ay may kalawakan ng 100, 563 square kilometro o 38, 750 square milya, at may populasyon ng higit sa 51 milyong katao (2019)
- Ang pamahalaan nito ay ang unitaryang presidensyal at konstitusyonal na republika
- Ang presidente nila ngayon ay si Moon Jae-Rin.