KAHULUGAN NG ANTROPOLOHIYA – Sa paksang ito, ating alamin at tukasin natin ang kahulugan ng antropolohiya at iba pang kaalaman nito.
Kahulugan
Ang antropolohiya o kilala rin bilang agham-tao ay ang pag-aaral sa lahi ng tao noon at ngayon.
Ang salitang antropolohiya na sa Ingles ay anthropology ay mula sa mga salitang Griyego na ἄνθρωπος (ánthrōpos) na ang ibig sabihin ay “tao at λόγος (lógos) na ang ibig sabihin ay “aral”.
Ang layunin nito ay para alalahanin ang lahat ng tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan.
May apat na sanga ng antropolihiya:
- Antropolohiyang Panlipunan (Ingles: Sociocultural Anthropology)
- Ito ay binubuo ng mga prinsipyo ng antropolohiyang kultural at antropolohiyang sosyal.
- Ang sangang kultural ay ang araling pahambing ng mga sari-saring daanan kung saan ang mga tao ay gumagawa ng sentido sa mundo.
- Sa sangang lipunan naman, ito ay kaakibat sa araling panlipunan at kasaysayan.
- Antropolohiyang Byolohiko (Ingles: Biological Anthropology)
- Kilala rin bilang Antropolohiyang Pisikal, ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng tao at ang kanilang mga ninuno sa kanilang byolohikong, ebolusyonal, at demograpiyang mga sukat
- Antropolohiyang Arkheolohiko(Ingles: Archeology)
- Ito naman ay ang pag-aaral nga mga tao sa kasaysayan gamit ang mga naiwan nila sa mundo tulad ng mga artepekto, mga labi ng hayop, at mga lpaing ginawa ng mga tao na ginagamit bilang ebidensya ng ano ang kabuhayan at kultura nila noon.
- Antropolohiyang Linggwistika (Ingles: Linguistic Anthropology)
- Ito naman ay ang pag-iintindi ang proseso ng komunikasyon ng tao, ang berbal at hindi berbal, at ang baryasyon ng wika sa kasaysayan ng mundo.
BASAHIN DIN – Gelotology – Why Is This Branch Of Study Important? (Answers)