Elemento Ng Tula – Ano Ang Limang Mga Elemento Nito
ELEMENTO NG TULA – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin ang limang elemento ng tula at ang kahulugan ng bawat isa.
![ELEMENTO NG TULA](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2019/09/ELEMENTO-NG-TULA.jpg)
Ang tula ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo o rhythm. Kilala rin ito bilang patula sa panitikan. Kabilang sa tula ang sumusunod:
- Ritmo
- tumutukoy sa pagkahaba at pagkaikli na mga pattern sa pamamagitan ng nagbibigay-diin at hindi nagbibigay-diin na mga pantig.
- Metro
- isang serye ng mga patakaran na namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig sa bawat linya.
- Sukat
- tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong,
- Pantig – ang paraan ng pagbasa
- Halimbawa:
- isda = is da = dalawang pantig
- Ako ay isang tao = A ko ay i sang ta o = pitong pantig
- May apat na uri ng sukat ito:
- Wawaluhin – walong pantig
- Lalabindalawahin – sandosenang pantig
- Lalabing-animin – labing-anim na pantig
- Lalabing-waluhin – labing-walong pantis
- Saknong
- tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod
- 2 na taludtod – couplet
- 3 na taludtod – tercet
- 4 na taludtod – quatrain
- 5 na taludtod – quintet
- 6 na taludtod – sestet
- 7 na taludtod – septet
- 8 na taludtod – octave
- tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod
- Tugma
- isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.
- May dalawang uri ito:
- Tugmang ganap (Patinig)
- Tugmang di-ganap (Katinig)
- Halimbawa:
- Mahirap sumaya
- Ang taong may sala
- Kariktan
- Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at kawilihan
- Halimbawa
- Maganda – marikit
- Halimbawa
- Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at kawilihan
- Talinhaga
- Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na binabanggit.
BASAHIN DIN – Elemento Ng Balagtasan – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Mga Elemento Nito