Elemento Ng Balagtasan – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Mga Elemento Nito

Elemento Ng Balagtasan – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Mga Elemento Nito

ELEMENTO NG BALAGTASAN – Sa paksa natin ngayon, ating alamin at tuklasin ang mga iba’t ibang mga elemento ng balagtasan.

Muli natin alamin muna ang kahulugan ng balagtasan.

ELEMENTO NG BALAGTASAN

Balagtasan

Ito ay isang Pilipinong uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig na ukol sa isang paksa. Ito ay kadalasang ginawa sa taladtad.

Ito ay binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo o magkaiba ng pananaw at isang tagapamagitan na lakandiwa kung lalaki, o lakambini kung babae. May mga hurado rin na magdedesisyon kung sinong pangkat ang mananalo.

Ang terminong ito ay nanggaling sa apelyido ni Francisco Balagtas o kilala rin sa boung pangalan niya na siFrancisco Baltazar y de la Cruz o Francisco Baltazar. Siya ay isang manunulang Pinoy at isa rin sa mga pinakamagaling na laureado sa kasaysayan ng panitikang Pilipino dahil sa malaking epekto niya mismo.

Mga Elemento

May apat na mayor na elemento: Tauhan, Paksa, Mensahe, at Pinagkaugalian.

  1. Tauhan
    1. Lakandiwa o Lakambini – ang tagapamagitan ng paksa na ipaglalaban ng dalawang mambabalagtas sa pamamagitan ng tulaan
    2. Mambabalagtas – ang mga kalahok sa karaniwang sinusulat ng pyesa balagtasan. Sila rin ang mga taong nakikipagbalagtasan.
    3. Manonood – ang mga tagapakinig sa pagtatangal ng balagtasan. Nasusukat ang kahusayan ng mambabalagtas sa reaksyon ng mga manonood.
  2. Paksa – ang bagay na pinag-uusapan, tinatalakay, o dinedebatehan para ganaping maipaliwanag at mauunawaan ang konteksto nito.
    1. Politika – ang tunggalian ng mga lapian sa kapangyarihan at mga tagapangasiwa ng pamahalaan
    2. Pag-ibig – ang pinakamakapangyarihang at dakilang damdaming nag-uugnay sa mga tao.
    3. Karaniwang Bagay – mga bagay sa paligid
    4. Kalikasan – ang mga bagay na nasa daigdig.
    5. Lipunan – ang pangkat ng mga taong naninirahan sa isang partikular na lugar
    6. Kagandahang-asal – ang mga ugaling kayganda-ganda.
  3. Pinagkaugalian
    1. Sukat – ang bilang ng pantig sa bawat taludtod
    2. Tugma – ang pagkapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa panulaan
      1. Tugmang Ganap
      2. Tugmang Di-ganap
    3. Indayog – ang tono kung paano binibigkas ang mga taludturan.
  4. Mensahe – ang ideya at damdaming nais iparating ng kabuuan ng ano mang sasabihin, teksto o akda.

Leave a Comment