Date Published:

2:43 PM August 23, 2019

Date Updated:

2:43 PM August 23, 2019

in: Educational
Share to Facebook Share to Twitter More...

Kahulugan Ng Balagtasan At Sagot Sa Tanong Kung Saan Ginanap Ang Unang Balagtasan

UNANG BALAGTASAN – Sa paksang ito, alamin natin ang kahulugan ng balagtasan at ang sagot sa tanong kung saan ginanap ang unang balagtasan.

UNANG BALAGTASAN

Kahulugan

Ang balagtasan ay isang Pilipinong uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig na ukol sa isang paksa. Ito ay kadalasang ginawa sa taladtad.

Binubuo ito ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo o magkaiba ng pananaw at isang tagapamagitan na lakandiwa kung lalaki, o lakambini kung babae. May mga hurado rin na huhusga kung sinong pangkat ang mananalo.

Ang terminong ito ay nanggaling sa apelyido ni Francisco Balagtas (Francisco Baltazar y de la Cruz o Francisco Baltazar), isang manunulang Pinoy. Si Balagtas ay isa rin sa mga pinakamagaling na laureado sa kasaysayan ng panitikang Pilipino dahil sa malaking epekto niya mismo.

Ang Florante at Laura na isinulat niya ay itinanghal na pinakasikat na ginawa niya. Ang iba pa niyang mga ginawa ay La India elegante y el negrito amante, Orosman at Zafira, Rodolfo at Rosemonda, Nudo gordeano, at iba pa.

Sagot

Ang balagtasan ay unang naganap noong Abril 6, 1924. Nilikha ng ,ga pangkat na manunulat upang alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas.

Ang balagtasan ay ginawa na may tatlong hanay na makata na ipapahayag ng isang naka-iskrip na pagtatanggol.

Ang anyo ng balagtasan ay binatay nila sa mas naunang uri ng pagtatalo na gumamit din ng elemento ng tula tulad ng karagatan, huwego de prenda, at duplo.

BASAHIN DIN – Munting Bariles Buod – Ang Buod Sa Kwento Ni Guy De Maupassant

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Unang Balagtasan – Saan Ito Naganap? Kahulugan At Sagot". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.