Ano Ang Pinagkatulad At Pinagkaiba Ng Sibilisasyon At Kabihasnan?
SIBILISASYON AT KABIHASNAN – Sa paksang ito, ating tutuklasin ang pinagkatulad at ang pinagkaiba ng sibilisasyon at kabihasnan.
Kadalasan sa paksang Kasaysayan o History ay naririnig natin ang dalawang termino. Ngunit may pagkakatulad ba sila o may pinagkaiba?
Kaya dito ating alamin muna kung may pagkakatulad ba ang dalawang termino.
Kung sa pagkakatulad, pareho ang terminong kabihasnan at ang terminong sibilisasyon na nagmula sa mga ninuno natin at ito ay may antas ng pamumuhay sa isang lugar, nasyon, o kaya estado.
Sa pinagkaiba ng dalawa, wala sa diwa ng mga kahulugan nila. Bakit? dahil pareho ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon. Sa katunayan, pareho silang salin ng salitang Ingles na “Civilization“.
Magkaiba lang silang salin ng salitang “Civilization” sapagkat ang terminong “kabihasnan” ay ang lokal na pagsalin nito, samantalang ang isa naman ay ang saling pagpatagalog (Anglicized) nito.
Ang kahulugan ng salitang Civilization ay tumutukoy sa isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan o ang pagtira sa isang partikular na lugar. Ito ay kadalasang ginagamit para maging kasingkahulugan sa mas lalong malawak na terminong “kultura” o “kalinagan”.
Ang Ingles na terminong ito ay nanggaling sa salitang Latin na civis na ang kahulugan ay ang “isang taong naninirahan sa isang bayan”.
Ang lokal na salita naman ay nanggaling sa salitang-ugat na “bihasâ” na ang kahulugan nito ay “sanay” o “batak” at ang salin sa Ingles ay ang salitang skilled.
BASAHIN DIN – Paano Nagwakas Ang Kabihasnang Minoan? (Sagot)
Hi po : Salamat sa answer