Mga Pagbabagong Morpoponemiko – Ang Limang Uri
MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO – Sa ating paksa, alamin natin ang limang iba’t ibang uri ng mga pagbabagong morpoponemiko.
Mayroong limang uri ng morpoponemikong pagbabago: asimilasyon, pagpapalit, paglilipat, pagdaragdag, at pagkakaltas.
1. Asimilasyon
Tumutukoy ito sa pagbabagong anyo ng morpema dulot ng pagimpluwensiya ng mga katabing tunog nito.
Ang mga panlaping nagtatapos sa -ng ay pinapalitan ito ng -n o -m gaya ng panlaping sing- na magiging sin- o sim-.
Ang mga salitang nagsisimula sa mga patinig at katinig na k, g, h, n, w at y ay idinagdag ang panlaping sing- at pag-.
- sing + haba = singhaba
- pang + awit = pang-awit
Sa mga nagsisimula sa d, l, r, s, at t ay may panlapi na sin- o pan-.
- sing + tamis = sin + tamis = sintamis
- pang + dagat = pan + dagat = pandagat
Sa mga nasisimula naman sa b at p ay may panlapi na sim- at pam-.
- pang + basa = pam + basa = pambasa
- sing + payat = sim + payat = simpayat
May dalawang uri ng asimilasyon:
- Asimilasyong parsyal o di-ganap – pagbagbagong nagaganap lamang sa pinal na panlaping -ng.
- Asimilasyong ganap – nagaganap ito kapag natapos na maging n at m ng panlapi.
2. Pagpapalit
Tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita
Halimbawa:
- d at r
- dito – rito
- ma + dapat – marapat
- ma + dumi – marumi
- h at n
- tawahan – tawanan
3. Paglilipat o Metatesis
Ito ay ang paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Halimbawa, kapag nagsimula sa letrang l o y at may gitlaping -in- ay nagpalit ang n at i sa unlaping ni-.
- y + -in- + akap = yinakap = niyakap
- l + -in- + ayo = linayo = nilayo
4. Pagdaragdag
Ito ay ang pagdagdag ng hulapi sa salita kahit mayroon nang hulapi.
- ka + totoo + han = katotohan + an = katotohanan
- pa + bula + han = pabulahan + an = pabulaanan
5. Pagkakaltas
Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema na maari itong nasa unahan o sa gitna ng salita.
- bukas + an = bukasan = buksan
- dala + hin = dalahin= dalhin
BASAHIN DIN – HALIMBAWA NG SALAWIKAIN – 25 Pang Halimbawa Ng Mga Kasabihan