Davao Region – Ano Ang Ipinagmamalaking Produkto Nila? (Sagot)

Sagot Sa Tanong Kung Ano Ang Ipinagmamalaking Produkto Ng Davao Region? Ito Ay May Kakaibang Amoy Ngunit Mainam Ang Lasa

DAVAO REGION – Sa paksang ito, ating alamin at sasagutin ang katanungan kung ano ang ipinagmamalaking produkto ng Davao Region.

DAVAO REGION
Image from: b-nunus and Lamudi

Ang bawat lugar sa bansang Pilipinas ay may mga produkto na ipinagmamalaki nila talaga gaya ng mga masasarap at sariwang mga mga na galing sa Guimaras o ang mga sugarcane ng Isla ng Negros.

Gaya nila, ang Rehiyon ng Davao ay may sarili ring produkto na ipinagmamalaki nito at sa produktong ito ay ibinigyan ang rehiyong ito ng sariling palayaw.

Ang sagot sa tanong na ang ipinagmalaki na produkto ng rehiyon nito ay ang prutas na durian, samakatuwid, ang Davao Region ay tinaguriang ang “Durian Capital of the Philippines” dahil sagana ito sa durian.

DAVAO REGION
Image from: b-nunus

Ang durian ay isang prutas na galing sa Timog-Silangang Asya, na karaniwan sa Borneo at Sumatra. Nanggaling ang pangalang ito sa dûrî, isang matandang lengwahe nga mga Malay na ang ibig sabihin ay “tinik”

Ito ay kilala dahil sa kakaiba niyang amoy at matinik na balat na kawangis ng langka na may matinik rin na balat.

Ang kakaibang amoy ng durian ay may ibang epekto sa mga tao: may mga tao na nagsasabi na may mabangong at matamis na amoy ang durian; ang iba naman ay nagsasabi na ang amoy nito ay tinatago ng matinding baho. Kahit may kakaibang amoy ito, ang loob ng durian ay masarap naman.

READ ALSO: Ano Ang Pinakamalaking Kontinente Sa Buong Daigdig?

Leave a Comment