Date Published:

11:25 AM August 23, 2019

Date Updated:

11:25 AM August 23, 2019

in: Educational
Share to Facebook Share to Twitter More...

Munting Bariles Buod – Ang Buod Sa Kwento Ni Guy De Maupassant

MUNTING BARILES BUOD – Sa paksang ito, alamin natin ang Munting Bariles (Buod) na isinulat ni Guy de Maupassant.

MUNTING BARILES BUOD

Unahin nating kilalahin ang akda na sumulat ng maikling kuwentong ito.

Si Guy de Maupassant, na ang buong pangalan ay Henri Rene Albert Guy de Maupassant ay isang Pranses na akda na isinilang sa Agosto 5, 1850. Siya rin ang tinaguriang Ama ng modernong maikling kuwento. Nakasulat siya ng 300 na maikling kuwento, 6 na nobela, 3 librong panglakbay at 1 volume na tula.

Ang isa sa mga isinulat niyang maikling kuwento na tinatawag na “Ang Munting Bariles” na sa Ingles ay “The Little Cask” at sa Pranses ay “Le petit fût”, ay tungkol sa paano kinuha ng mapangahas na negosyanteng si Jules Chicot ang lupain na inaari ng matandang si Nanay Magliore.

Ito ang buod ng maikling kuwentong ito:

May isang mapangahas at matalinong negosyante na si Jules Chicot at gusto niyang maangkin ang lupa ng isang matandang si Nanay Magliore.

Ilang beses nang inalok at sinubukang hikayatin ni Chicot si Magliore upang payagang bilhin ang kanyang lupa ngunit kadalasang tinanggihan ni Magliore si Chicot.

Isang araw, pumunta ulit si Chicot sa bahay ni Magliore. Inalok niya ang isang kasunduan na hindi siya magtangkang vilhin ang bahay pero babayaran niya ang matanda. Kumunsolta ang matanda sa abogado sa sumunod na araw tungkl sa kasunduhan at sa huli ay pumayag siya. Tatlong taon na ang lumipas at naiinis na si Chicot dahil malakas pa rin si Magliore.

Isang araw, inanyaya niya si Maglior na bumisita at maghapunan sa bahay ni Chicot. Una, naghanda siya ng masaganang hapunan subalit hindi na masyadong kumakain si Magliore.

Kaya niya inihanda ang munting bariles at inalok sa matanda ang alak. Hindi tinanggihan ni Magliore at naengganyo siya na matikman ang alak. Nalulong si Magliore sa alak at nagbigay ito ng masamang epekto sa kanya kaya siya namatay bago mag-Pasko.

Pagkatapos ng pagkamatay ng matanda ay kinuha ni Chicot ang lupa at ipinalabas niya na kasalanan ni Magliore kung bakit siya namatay.

BASAHIN DIN – HUDHUD HI ALIGUYON – Isang Epiko Ng Mga Ifugao (Buod)

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Munting Bariles Buod – Ang Buod Sa Kwento Ni Guy De Maupassant". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.