Share to Facebook Share to Twitter More...

Buod Ng Hudhud Hi Aliguyon – Isang Epikong Ifugao Na Tungkol Kay Aliguyon

HUDHUD HI ALIGUYON – Sa paksang ito, alamin nating ang buod ng Hudhud, isang epikong Ifugao tungkol sa bayani na si Aliguyon.

HUDHUD HI ALIGUYON
Image from: Marvicrm

Ang hudhud ay isang mahabang kwento na kadalasang kinakanta sa mga okasyon. Ang hudhud na ito ay isa sa mga paboritong kantahan ng mga Ifugao sa mga bulubunduking rehiyon ng Hilagang Luzon.

Ang hudhud na tungkol sa matapang bayaning si Aliguyon ay kinakanta sa panahon ng pag-aani.

Narito ang buod ng epikong ito.

Noong unang panahon, mula sa bayan ng Hannanga, isinilang ang isang lalaking si Aliguyon na anak ng magkasintahang si Amtalao at Dumulao. Siya ay isang matalino at masigasig na binata na gustong mag-aral ng maraming bagay na kinakailangan niya.

Tinuturuan at kinukwento siya nga kanyang ama at natutong niya kung paano lumaban at gumamit ng mahika. Bata pa man siya ay isa na siyang tunay na pinuno.

Nang lumaki si Aliguyon, siya mismo ang nagtitipon ng mga hukbo para labanin ang mga kaaway ng kanyang ama na si Pangaiwan mula sa bayan ng Galigdigan.

Nagtangkang hamunin ni Aliguyon si Pangaiwan subalit hindi siya nasagot kundi hinarap siya ng anak ni Pangaiwan na si Pumbakhayon. Katulad ni Aliguyon, mahusay rin si Pumbakhayon sa pakikipaglaban at mahika. Ang dalawang mandirigma ay naglaban ng tatlong taon ngunit sa mga taong ito ay ni isa sa kanila ay walang nagpakita nga senyas ng pagkatalo.

Sa huli, ang dalawang mandirigma ay nirerespeto ang isat isa at tumigil ang kanilang laban. Gumawa sila ng kasunduang kapayapaan sa Hannanga at Daligdigan at naging matalik na magkaibigan.

Umunlad ang dalawang bayan. Naging mas lumago ang pagkakaibigan ni Aliguyon at Pumbakhayon nang nagpakasal si Aliguyon sa kapatid ni Pumbakhayon na si Bugan; at si Pumbakhayon naman ay nagpakasal sa nakababatang kapatid ni Aliguyon na si Aginaya.

READ ALSO – Ibong Adarna – Buod Ng Isang Sikat Na Epikong Pilipino

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "HUDHUD HI ALIGUYON – Isang Epiko Ng Mga Ifugao (Buod)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.