BANSA NG TIMOG ASYA – Mga Bansa Sa Timog Asya
BANSA NG TIMOG ASYA – Sa paksang ito, alamin natin ang iba’t ibang mga bansa ng Timog Asya at ang paglalarawan ng bawat isa.
Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Gitnang Asya, Silangang Asia, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, kun saan naroroon ang ating bansang Pilipinas, at Kanlurang Asya.
Dito sa paksang ito, ating matutuklasan ngayon ang mga bansa na nasa Timog Asya.
Mga Bansa
Bangladesh (Kabesera: Dhaka)
Ang Republikang Bayan ng Banglades ay isang bansa na nabubuo ng dating rehiyon ng Bengal. Ang terminong Bangladeah ay nangangahulugan na ang Bansa ng Bengal. Ito ay nasa hilaga ng Look ng Bengal at napaligiran ng India at Myanmar. May populasyon ito ng 162 milyon(2016).
Bhutan (Kabesra: Thimphu)
Ang Kaharian ng Bhutan ay isang bansang kalupaan na nasa silangang Himalayas. Ito ay napalibutan ng Rehiyong Tibetang Kasarinlan ng China sa hilaga, ang estadong Sikkim ng India at ang Lambak ng Chumbi ng Tibet sa kanluran, ang estadong Arunachal Pradesh ng India sa silangan, at ang estado ng Assam at Kanlurang Bengal sa timog. May populasyon ito ng 741 libo (2019).
India (Kabesera: New Delhi)
Ang Republika ng India ay ang ikalawang pinakapopuladong bansa sa mundo. Ito ay napalibutan ng Karagatang India sa timog, ang Dagat Arabia sa timog-kanluran, ang Look ng Bengal sa timog-silangan, Pakistan sa kanluran, China, Nepal, at Bhutan sa hilaga, at Bangladesh at Myanmar sa silangan. May populasyon ito ng 1.3 bilyon (2016).
Maldives (Kabesera: Malé)
Ang Republika ng Maldives ay isang maliit na bansang arkipelago na nasa Dagat Arabia ng Karagatang India. Ito rin ay nasa timog-kanluran ng Sri Lanka at India. May populasyon ito ng 392 libo (2018).
Nepal (Kabesera: Kathmandu)
Ang Pederal Demokratikong Republika ng Nepal ay isang bansang kalupaan na nasa Himalayas at bahagi ng Kapatagan Indo-Gangetic. Ito ay may populasyon ng 26.4 milyon.
Pakistan (Kabesera: Islambad)
Ang Republika Islam ng Pakistan ay ang ikaanim sa pinakapopuladong bansa na nasa 212 milyon. Ito ay may baybayin na nasa Dagat Arabia at Golpo ng Oman na may sukat na 1,046 kilometro.
Sri Lanka (Kabesera: Colombo)
Ang Demokratikong Sosyalistang Republika ng Sri Lanka ay isang bansang pulo na nasa Karagatang India, sa timog-kanluran ng Look ng Bengal, at sa timog-silangan ng Dagat Arabia. May populasyon ito ng 21.6 milyon (2018).
BASAHIN DIN: BANSA NG TIMOG SILANGANG ASYA – Mga Bansa Sa Timog Silangan
Thanks to the answer😚😚