BANSA NG TIMOG SILANGANG ASYA – Mga Bansa Sa Timog Silangan

BANSA NG TIMOG SILANGANG ASYA – Mga Bansa Sa Timog Silangan

BANSA NG TIMOG SILANGANG ASYA – Sa paksang ito, alamin natin ang iba’t ibang mga bansa ng Timog Silangang Asya at ang paglalarawan nila.

BANSA NG TIMOG SILANGANG ASYA

Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Gitnang Asya, Silangang Asia, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, kun saan naroroon ang ating bansang Pilipinas, at Kanlurang Asya.

Dito sa paksang ito, ating matutuklasan ngayon ang mga bansa na nasa Timog Silangang Asya.

Mga Bansa

Brunei (Kabesera: Bandar Seri Begawan)

Kilala rin bilang Bansa Ng Brunei, Tahanan ng Kapayapaan, ay isang bansa na nasa hilagang baybayin ng pulo ng Borneo. Ito ay may populasyon ng 423, 196 (2016) at may kalawakan ng 5.7 km2 .

Cambodia (Kabesera: Phnom Penh)

Kilala rin bilang Kaharian ng Cambodia, ay isang bansang nasa timugang bahagi ng Tangway ng Indochina. Napalibutan ito ng Thailand sa hilagang-kanluran, Laos sa hilagang-silangan, Vietnam sa silangan, at ang Golpo ng Thailand sa timog-kanluran. Ito ay may population ng higit sa 15 milyon.

East Timor (Kabesera: Dili)

Kilala rin bilang Demokratikong Repbublika ng Timor-Leste o Silangang Timor, ito ay isang bansa na binubuo ng Silangang bahagi ng pulo ng Timor na malapit sa mga pulo ng Atauro at Jaco. Ito ay may populasyon ng 1.1 milyon (2005).

Indonesia (Kabesera: Jakarta)

Kilala rin bilang Republika ng Indonesia, ito ay isang bansang arkipelago na binubuo ng 17,508 na mga pulo. Ito rin ang pinakamalaking estado sa buong mundo na binubu ng arkipelago. May populasyon ito ng 238 milyon.

Laos (Kabesera: Vientianne)

Kilala rin bilang Demokratikong Republikang Bayan ng Lao, ito ay isang bansa na napalibutan ng Burma at Tsina sa hilagang-kanluran, Vietnam sa silangan, Cambodia sa timog, at Thailand sa kanluran. Ito ay may populasyon ng 6.8 milyon (2014)

Myanmar (Kabesera: Naypyidaw)

Kilala rin bilang Republika ng Unyon ng Myanmar na dati ay Unyon ng Burma, ito ay ang pinakamalaking bansa ng Timog-Silangang Asya. Napaligiran ito ng Tsina sa hilaga, Laos sa Silangan, Thailand sa timog-silangan, Bangladesh sa kanluran, India sa hilagang-kanluran, ang Dagat ng Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran. Ito ay may populasyon ng 53.7 milyon (2014).

Philippines (Kabesera: Manila)

Ang bansa natin na kilala bilang Republika ng Pilipinas, ay isang bansang arkipelago na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Ito ay nahati sa tatlong pangkat: Luzon, Visayas, at Mindanao, at binubuo ng 7, 641 na pulo. Ito ay may populasyon ng 100 milyon (2014).

Singapore (Kabesera: Singapore)

Ang Republika ng Singapore, na minsang tinagurian ang kanyang kabesera na “The Fine City”, ay isang lungsod-estado na makikita sa timog ng estado ng Johor sa tangway ng Malaysia at sa hilaga ng arkipelagong Riau, Indonesia. May populasyon ito ng 5.5 milyon (2014).

Thailand (Kabesera: Bangkok)

Ang Kaharian ng Thailand, na dati ay Siam, ay isang bansa na napaligiran ng Laos at Cambodia sa silangan, Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. May populasyon ito ng 67.2 milyon (2014).

Vietnam (Kabesera: Hanoi)

Ang Sosyalistang Republika ng Vietnam ay bansa na nasa pinakasilangang bahagi ng Tangway ng Indochina. Napalibutan ito ng China sa hilaga, Laos sa hilagang-kanluran, Cambodia sa kanluran, at Dagat ng Timog Tsina sa silangan. May populasyon ito na nasa 86 milyon.

BASAHIN DIN – BANSA NG KANLURANG ASYA – Mga Bansang Asya Na Nasa Kanluran

Leave a Comment