MGA BUGTONG – Mga Halimbawa ng Bugtong o Riddles

Halimbawa ng mga Bugtong / Riddles sa Ingles

MGA BUGTONG – Narito ang halimbawa ng mga palaisipan o kung tawagin sa Ingles ay “riddles”.

Maraming laro ang kailanman ay hindi nawawala sa pagtitipon sa kabila ng paglipas ng panahon. Bata man o matanda ay masaya sa mga larong ito na mas nakakapagpatibay ng samahan.

Isa sa mga larong ito ay ang bugtong-bugtong o kung tawagin sa Ingles ay “riddles”. Ito ay mga palaisipan na ang mananalo o makakakuha ng premyo ay ang makakahula ng palaisipan.

Sa artikulong ito, ating itatala ang ilan sa mga bugtong pwedeng gamitin sa laro, sa takdang aralin, o sa kahit ano pa man na pwedeng gamitan ng mga ito. Narito rin ang kanilang mga sagot.

Mga Bugtong
Photo: The Princeton Club of Washington

1. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka

2. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw

3. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting

4. Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot.
Sagot: Singsing

5. Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
Sagot: Kalendaryo

6. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo

7. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa

8. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging

9. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis

10. Instrumentong pangharana, hugis nito ay katawan ng dalaga.
Sagot: Gitara

11. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: Kuliglig

12. Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.
Sagot: Yelo

13. Lumalakad nang walang paa, maingay paglapit niya.
Sagot: Alon

14. Puno ay layu-layo, dulo’y tagpu-tagpo.
Sagot: Bahay

15. Buto’t balat lumilipad.
Sagot: Saranggola

16. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas

17. May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot: Kumpisalan

18. Patung-patong na sisidlan, may takip ay walang laman.
Sagot: Kawayan

19. Bahay ko sa Pandakan, malapad ang harapan.
Sagot: Pantalan

20. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino

21. Buhok ng pari, hindi mahawi.
Sagot: Tubig

22. Sundalong Negro, nakatayo sa kanto.
Sagot: Poste

23. Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari.
Sagot: Sampayan

24. Matanda na ang nuno di pa naliligo
Sagot: Pusa

Updating…

Leave a Comment