Ano Ang Istraktura Ng Lipunan At Ang Kabilang Dito?

ANO ANG ISTRAKTURA NG LIPUNAN – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin kung ano ang istraktura ng lipunan at ang kabilang dito.

Muli nating alamin kung ano ang lipunan.

Ano Ang Istraktura Ng Lipunan

Lipunan

Ito ay tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga. Binubuo rin ito ng mga iba’t ibang mga samahan, korelasyon at kultura.

Binubuo ito ng dalawang aspeto: Istrukturang Panlipunan at Kultura.

Istruktura ng Lipunan / Istrukturang Panlipunan

Ito ay isa sa dalawang aspeto na nagbubuo ng lipunan. Kabilang dito ang institusyon, social group, status at gampanin.

1. Institusyon

Ito ay isang kaayusang sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Binubuo ito ng mga sumusunod:

  • Pamilya – ang pagkatao ng isang indibidwal unang nahuhubog sa aspetong ito, kabilang dito ang ama, ina, mga kapatid, tito, tita, lolo, lola, at iba pa.
  • Paaralan – ito naman ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan at naghuhubog ng isang tao para maging kapaki-pakinabang na mamamayan.
  • Ekonomiya – dito pinag-aaraalan kung paano maideyahan na makabigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan.
  • Pamahalaan – ito naman ay nagpapatupad at gumagawa ng batas at naglilingkod sa mga tao.
  • Relihiyon – ito ay tumutukoy sa mga usapang pananampalataya.

2. Social Group – ito naman ay tumutukoy sa dalawa o higit pang mga taong may kaparehas na katangian na nagbubuo ng samahan sa bawat isa at gumagawa ng samahang panlipunan. Kabilang dito ang sumusunod:

  • Primary – ito ay ang malalapit at impormal na ugnata ng mga tao katuld ng pamilya at kaibigan.
  • Secondary – ito naman ang indibidwal na may pormal na ugnayan katulad ng amo at manggagawa; o guro at estudyante.

3. Status

Tumutukoy sa mga posisyong kinabibilangan ng isang tao sa lipunan. Kabilang dito ang sumusunod:

  • Ascribed – ito ay nakatalaga sa isang tao noong siya ay ipinganak, katulad ng kasarian, lugar na isinilang, at iba pa.
  • Achived – ito naman ay nakatalaga sa isang tao na base sa kanyang mga gawa, katulad ng pagiging doktor o guro.

4. Gampanin o Roles

Ito ay tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang kayang ginagalawan.

Leave a Comment