Pagtalakay sa Kahulugan ng Diptonggo & Mga Halimbawa Nito
DIPTONGGO – Narito ang isang pagtalakay sa kahulugan at halimbawa ng mga salitang mayroon nito.
Sa ilalim ng asignaturang Filipino, ang mga aralin ay nalatag ayon sa pinaka-madaling matutunan hanggang sa mga topikong medyo mahirap intindihin. Sa pre-school at elementary itinuturo ang lahat ng mga maituturing na pundasyon sa pag-aaral ng Filipino.
Isa sa mga araling itinatalakay sa mga maliliit na bata sa pre-school o elementarya ay ang diptonggo. Ito ay may kinalaman sa mga letra, pantig, at salitang binubuo ng mga ito.
Ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito at magbibigay rin tayo ng halimbawa ng mga salitang naglalaman nito.
Ang diptonggo ay binubuo ng patinig na sinusundan ng isang letrang malapatinig. Sa Ingles, ito ay itinatawag na diphthong.
Mga Patinig – a, e, i, o, u
Mga Malapatinig – w, y
Mga Halimbawa ng Diptonggo:
- aw
- iw
- ay
- ey
- iy
- oy
- uy
Mga Salita:
- Sigaw
- Galaw
- Sayaw
- Sisiw
- Aliw
- Giliw
- Bahay
- Tulay
- Keyk
- Kahoy
- Unggoy
- Kasuy
Mga Pangungusap:
- Malakas ng sigaw ni Victor ang tumigil sa mahimbing na tulog ni Cora.
- Kung sa pagitan ng pagsasayaw at pagkanta, mas pipiliin ni Greg ang pagsasayaw.
- Dalawang sisiw ang kasa-kasama ng inahing tumawid sa kalsada.
- Naaliw si Gino kay Stephanie kaya hindi ito naka-uwi ng maaga.
- Maagang umalis ng bahay si nanay at kuya para mamili sa palengke.
- Nasira ang tulay sa bayan kaya hindi makadaan ang mga tao at sasakyan.
- Bumili ng keyk at regalo si Nestor para sa kaarawan ng nakababata niyang kapatid.
- Maraming kahoy ang naputol dahil sa baha.
- Takot na takot si Janice sa unggoy kaya hindi ito lumapit.
- Mahilig kumain ng kasuy ang mag-amang Mang Tonyo at Anthony.
BASAHIN RIN: SALITANG UGAT – Ang Kahulugan At Mga Halimbawa Nito