ANO ANG SANAYSAY – Ang Kahulugan At Halimbawa
ANO ANG SANAYSAY – Sa paksang ito, alamin at tukalsin natin kung ano ang sanaysay, ang kahulugan at ang mga iba’t ibang mga elemento nito.
Kahulugan
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan kung saan ito ay hindi mauubusan ng gamit. Pwede itong maging pormal, personal, analitikal o siyentipiko. Ito ay gumagamit ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa para nito’y makapahayg ng katotohanan o mga eksperyensya ng tao. Pwede itong maikli o mahaba.
May dalawang uri ang sanaysay: impormal o palagyan, na kung saan maaring maipahayag ang kanyang saloobin; at pormal o maanyo, kung saan ipinahyag ng seryoso ang paksa.
Mga Elemento ng Sanaysay
- Pamagat o Title – ito ay nagpakilala kung ano ang nalalaman ng sanaysay at makakatulong ito sa mga nagbabasa nito para makuha ang kanilang atensyon
- Thesis – Ito naman ang pangunahing punto ng sanaysay, nalalaman nito ang naid na ipahayag ng awtor.Dapat sa elementiong ito ay maikli pero ubod ng kaalaman.
- Organisasyon – Ito naman nalalaman kung paano naka-ayos ang mga laman ng sanaysay. Ito ay dapat may magandang pagkakaayos mula sa umpisa hanggang sa dulo nito. Dapat ring madaling maiintindihan ang nais sabihin ng awtor sa nagbabasa nito.
- Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.
- Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.
- Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.
BASAHIN DIN – BAHAGI NG LIHAM – 5 Bahagi ng Liham & Mga Halimbawa