Kahulugan & Mga Halimbawa ng “Salitang Magkasingkahulugan”
SALITANG MAGKASINGKAHULUGAN – Narito ang kahulugan nito at mga halimbawa.
Isa sa mga asignatura na itinuturo mula sa pre-school hanggang kolehiyo ay ang Filipino. Marami ang mga aralin sa ilalim ng asignaturang Filipino mula sa mga pinakamadali hanggang sa mga may kahirapan intindihin.
Sa pre-school at elementarya, ilan sa mga aralin ay naka-pokus sa mga salita bago itinatalakay ang pangungusap.
Isa sa mga aralin na itinuturo sa mga maliliit na bata ay ang “salitang magkasingkahulugan”. Ang kahulugan at mga halimbawa nito ang ating tatalakayin sa artikulong ito.
Ang “salitang magkasingkahulugan” ay tumutukoy sa mga salitang may parehas na kahulugan, depinisyon, o itinutukoy. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “synonyms“.
Kadalasan sa mga salitang may parehas na kahulugan ay mga pang-uri. Narito ang ilan sa mga halimbawa nito:
- maganda – marikit
- tirahan – tahanan
- hanapbuhay – trabaho
- aksidente – sakuna
- mabango – masamyo
- matapang – mabagsik
- tuwa – galak
- bata – musmos
- kama – higaan
- maliit – bansot
- magmadali – mag-apura
- malaki – maluwag
- iniwan-nilisan
- dekorasyon – palamuti
- away – laban
- prutas – bungang-kahoy
- paaralan – eskwelahan
- masaya – maligaya
- aralin – leksyon
- mag-isip-isip – magmuni-muni
- palingun-lingon – palinga-linga
- mabango – mahalimuyak
- natuklasan – nalaman
- inalay – inihandog
BASAHIN RIN: Ng At Nang – Kaibahan & Wastong Paggamit ng “Ng” at “Nang”