BANSA NG KANLURANG ASYA – Mga Bansang Asya Na Nasa Kanluran
BANSA NG KANLURANG ASYA – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin ang iba’t ibang mga bansa ng Kanlurang Asya at ang paglalarawan ng bawat isa,
Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Gitnang Asya, Silangang Asia, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, kun saan naroroon ang ating bansang Pilipinas, at Kanlurang Asya.
Dito sa paksang ito, ating matutuklasan ngayon ang mga bansa na nasa Kanlurang Asya.
Mga Bansa
Afghanistan (Pununglungsod: Kabul)
Kilala rin sa opisyal na ngalan bilang ang Republika Islam ng Afghanistan, ito ay may populasyon ng 35.53 milyon ngayon. Ito ay nasa pagitan ng Pakistan sa timog at silangan; Iran sa kanluran; Turkmenistan, Uzbekistan at Tajikistan sa hilaga; Tsina sa malayong Hilagang-Silangan.
Bahrain (Pununglungsod: Manama)
Kilala rin bilang ang Kaharian ng Bahrain o Mamlakat al-Baḥrayn, ito ay isang bansang pulo na nasa Golpo ng Persia at may populasyon ng 1.4 milyon.
Cyprus (Pununglungsod: Nicosia)
Kilala rin bilang ang Republika ng Cyprus, ito rin ay isang bansang pulo na nasa Silangang Mediteraneo. Ito ang ikatlo sa pinakapopuladong pulo sa Mediteraneo na may populasyon ng 1.1 milyon.
Gaza Strip (Pununglungsod: Gaza)
Kilala rin bilang Gaza, ito ang pansariling pamahalaang Palestinong teritoriio na nasa silangang baybayin ng Dagat Mediteraneo. Ito ay may populasyon ng 1.85 milyon.
Iran (Pununglungsod: Tehran)
Kilala rin bilang Persia at sa opisyal na ngalan bilang Republika Islam ng Iran, ito ang ikalabing-walong pinakapopuladong bansa sa mundo na may populasyon ng 82 milyon.
Iraq (Pununglungsod: Baghdad)
Kilala rin bilang Republika ng Iraq, ito ay napalibutan ng Turkey sa hilaga, Iran sa silangan, Kuwait sa timog-silangan, Saudi Arabia sa timog, Jordan sa timog-kanluran, at Syria sa kanluran. Mayroon itong populasyon ng 37 milyon.
Israel (Pununglungsod: Jerusalem)
Ang tinaguriang Banal na Lupain o sa Ingles bilang Holy Land, ito ay may populasyon ng 9 milyon.
Jordan (Pununglungsod: Amman)
Isang nasyong Arab na nasa silangang pampang nga Ilog Jordan. Ito ay ang tahanan ng lungsod ng Nabatean, isang sikat na lugar arkeolohiko ng Petra. Ito ay may poulasyon ng 10 milyon.
Kuwait (Pununglungsod: Kuwait)
Isang bansang Arab na nasa Golpo ng Persia, Ito ay kilala dahil sa kanyang arkitekturong modern. Ito ay may poulasyon ng 4 milyon.
Lebanon (Pununglungsod: Beirut)
Kilala rin bilang Republika ng mga taga-Lebanon. Napalibutan ito ng Syria sa hilaga at silangan, at Israel sa timog. Ito ay may poulasyon ng 6 milyon.
Oman (Pununglungsod: Muscat)
Kilala rin bilang Kasultanan ng Oman, ito ay bansang Arab na nasa timog-kanlurang baybayin ng Peninsulang Arabo. Ito ay may poulasyon ng 4 milyon.
Qatar (Pununglungsod: Doha)
Kilala rin bilang Estado ng Qatar, ito ay bansang Arab at peninsulado na may tuyong disyerto at mahabang linyang baybayin ng Golpo ng Persia. Ito ay may poulasyon ng 2 milyon.
Saudi Arabia (Pununglungsod: Riyadh)
Kilala rin bilang ang Kaharian ng Saudi Arabia, ito ay isang bansang disyerto na bumubuo ng karamihan sa Peninsulang Arab. Ito ay may poulasyon ng 33 milyon.
Syria (Pununglungsod: Damascus)
Kilala rin bilang Repiblikang Arab ng mga taga-Syria, ito ay napalibutan ng Lebanon sa timog-kanluran, ang Dagat Mediteraneo sa kanluran, Turkey sa hilaga, Iraq sa silangan, Jordan sa timog at Israel sa timog-kanluran. Ito ay may poulasyon ng 18 milyon.
Turkey (Pununglungsod: Ankara)
Kilala rin bilang Republika ng Turkey, ito ay isang bansang transkontinental. Ito ay may poulasyon ng 82 milyon.
United Arab Emirates (Pununglungsod: Abu Dhabi)
Kilala rin bilang Estado ng United Arab Emirates, ito ay isang bansa na nasa timog-silangang dulo ng Peninsulang Arab. Ito ay may poulasyon ng 9 milyon.
West Bank
Ito ay nasa baybayin ng Mediteraneo na nasasagitna ng lupain ng Palestine at Israel. Ito ay may poulasyon ng 3 milyon.
Yemen (Pununglungsod: Sana’a)
Kilala rin bilang Republika ng Yemen, ito ay nasa timugang dulo ng Peninsulang Arab. Ito ay may poulasyon ng 27.5 milyon.
BASAHIN DIN – Forbidden Places: Locations On Earth People Are Not Allowed To Visit