KAHALAGAN NG WIKA – Ang Kahalagahan Nito Sa Iba’t Ibang Aspeto

KAHALAGAN NG WIKA – Ang Kahalagahan Nito Sa Iba’t Ibang Aspeto

KAHALAGAN NG WIKA – Sa paksong ito, ating alamin at tukasin ang kahalagahan nga wika sa iba’t ibang aspeto o angulo ng isang partikular na bansa.

KAHALAGAHAN NG WIKA

1. Pang-araw-araw nating Buhay

Ang wika ay ang pangunahing instrument ng komunikasyon at napakahalaga nito para sa pakikipagtalastasan dahil kung wala nito, wala tayong maigagamit na kasangkapan para sa pakikipag-usap sa kapwa nating tao

2. Pamahalaan

Nakasulat sa papel ang mga batas na galing sa pamahalaan at maari nating mabasa, Ingles man o Gilipino. Ang wika ay nagiging gabay at nagbibigay ng kaalaman sa kung ano ang katanggap-tanggap o hindi.

3.Media at Entertainment

Wala ang tinatawag nga media at entertainment kapag wala ang wika. Kung wala nito, papaano mapapahayag nang nasa likod ng media at entertainment ang ibig sabihin nila kung lahat ay nakatahimik? Ang wika ay importante sa pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng balita. Ito rin ay ginagamit para sa mga teleserye o mga pelikula na tinatanaw natin, bagaman sa aspeto ng pelikula, mayroong tinatawag na mga silent films noong unang panahon.

4. Edukasyon

Sa aspeto naman ng edukasyon, mahalaga ito sapagkat sa pamamagitannito, naging malawak ang ating kaalaman. Sa pag-aaral ng dalawang wika (Ingles at Filipino) naging lalong nadalisay ang ating pag-intindi at tamang paggamit nito.

5. Sa Bansa at Ang Naninirahan Nito

Ang wika ay isa sa mga importanteng kasangkapan na bumubuo ng partikular na banse. Ang bawat bansa ay may kani-kanilang wika na ginagamit. Ang wika rin ang dahilan kung bakit nagkakaisa-isa ang mga miyembro sa lipunan o ang mga naninirahan sa isang bansa.

BASAHiN DIN – KAHULUGAN NG WIKA – Ang Kahulugan, Buod Ng Uri, Teorya, At Iba Pa

Leave a Comment