Mga Bahagi ng Liham & Kanilang Mga Halimbawa
BAHAGI NG LIHAM – Narito ang pagtalakay sa limang (5) bahagi ng sulat at mga halimbawa.
Gaano man kalaki ang pagbabago sa komunidad ngayon dulot ng teknolohiya, hindi pa rin mawawala ang paggamit ng liham. Ito ay maaring pangkomunikasyon, para sa mga transaksyong legal, at sa iba pang gamit.
Sa pagsulat ng liham, hindi lamang ito basta maka-sulat ka ng iyong saloobin. Mayroon itong iba’t ibang parte na dapat isaalang-alang para sa kalalabasan ng iyong isinusulat.
Sa artikulong ito, ating tatalakaying ang mga bahagi ng liham at ang halimbawa nito.
Mga Bahagi ng Liham
1. Pamuhatan
Ang pamuhatan ay naglalaman ng address o petsa kung kailan isinulat ang liham. Kadalasan, kung petsa lamang, ito ay makikita sa gawing kanan ng liham sa pinaka-itaas na parte. Pero kung may lugar, narito ang halimbawa ng pagkasulat:
Barangay Alfonso, Lungsod ng Bacolod
Ika-24 ng Hunyo 2019
2. Bating Panimula
Ito ay maikling panimula patungo sa katawan ng liham. Dito binabati ng mag-akda ang tatanggap ng liham. Narito ang mga halimbawa:
- Mahal kong Jojiet
- Kung kanino ito maaaring alalahanin
3. Katawan ng Liham
Sa bahaging ito nakasulat ang mga nais iparating ng may-akda ng liham sa bibigyan niya nito. Narito ang halimbawa:
Kumusta ka na? Ang tagal na rin nating hindi nagkita. Lumipat na pala kami ng bahay at nasa Barangay Kahel na kami ngayon nakatira. Sana sa susunod na pag-uwi mo sa probinsya natin makadalaw ka sa amin. Miss na miss ka na namin.
4. Bating Pangwakas
Sa bahagi na ito ipinapahayag ang magalang na pamamaalam ng may sulat. Nagtatapos ito sa kuwit at kadalasang makikita sa dakong kanan ng liham sa ibabang bahagi bago ang lagda.
Narito ang mga halimbawa nito:
- Lubos na gumagaling,
- Nagmamahal,
5. Lagda
Sa lagda nakasaad ang pangalan ng nagpadala ng liham. Maaari ring may lagda sa ibabaw ng pangalan.
BASAHIN RIN: URI NG LIHAM – Ang Dalawang Uri
High school aps