LAKBAY SANAYSAY – Ang Kahulugan At Mga Layunin
LAKBAY SANAYSAY – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin tungkol sa tinatawag na lakbay sanaysay, ang kahulugan nito at ang kanyang layunin.
Alam niyo na ang kahulugan ng tradisyunal na sanaysay na ayon sa nakasulat, ito ay naglalaman ng madalas ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda.
Ngayon, alamin natin kung ano talaga ang lakbay sanaysay.
Kahulugan
Kilala rin sa Ingles bilang “Travel Essay”, ito ay isang sanaysay na kung saan ang ideyang ito ay pinanggalingan mula sa mga pnuntahang or “nilakbayang” mga lugar. Kabilang rin dito ang kultura, trasisyon, pamumuhay, uri nga mga tao, eksperyensya mula sa awtor at lahat ng aspetong naalaman ng isang manlalakbay.
Ito rin ay isang maikling bahagi ng pagsulat na kung saan ito ay mula sa personal na paningin ng awtor at nagpapakita, pinagusapan, at pinag-aarakan ang isang topiko.
Alam na rin ninyo ang dalawang uri ng sanaysay pero uulitin natin dahil ito rin ay maaplay natin sa paksang ito.
Layunin
Ang layunin ng lakbay sanaysay ay ang mga sumusunod:
- Maitaguyod ang isang lugar na karaniwang ang lugar na pinuntahan ng manlalakbay.
- Gumawa ng gabay para sa mga maaring manlalakbay. Halimbawa nito ang daan at ang mga modo ng transportasyon.
- Pagtatala ng sariling kasaysayan sa paglalakbay na kabilang dito ang espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili.
- Pagdodokumento ng kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar sa malikhaing pamamaraan.
Uri
- Pormal – Ang talakayin nga uri nito ay ang mga seryosong mga pagsa nga nagtataglay ng masusing at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat. Ito ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang halimbawa nito ay ang pahayagang editoryal.
Di-Pormal – Tumatalakay naman nito sa mga topikong karaniwan, personal, at pang araw-araw na kasiya-siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa. Ito ay binigyan din ng mga bagay-bagay at karanasan ng akda sa isang topiko kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap siya sa isang kaibigan.
Maaplay rin dito ang bahagi ng sanaysay.
Mga Bahagi
- Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.
- Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.
- Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.
Can i join this