Kilalanin Ang Mga Iba’t Ibang Mga Uri Ng Yamang Tubig
YAMANG TUBIG – Heto ang mga uri ng yamang tubig na kabilang doon ang karagatan, dagat, lawa, tsanel, talon, look, kipot, golpo, ilog, batis, sapa at bukal.
Nalaman niyo na ang iba’t ibang uri ng anyong lupa. Ngayon naman, sa aspeto ng yamang tubig, tukasin natin ang iba’t ibang mga uri at ano talaga ang pinagkaiba nila sa isa’t isa.
1. Karagatan
Ito ang pinakamalaking anyo sa lahat ng uri nito. Ang mga malalaking mga barko ay makalakbay dito. Mayroong limang karagatan sa mundo: Pacific, Atlantic, Southern, Indian, at Arctic.
2. Dagat
Isang uri na kung saan may maraming mga yamang nakatira dito.
3. Lawa
Isang uri na pinapalibutan ng lupa. Ang tubig sa lawa ay sariwa at ang mga makikita mo sa lawa ay mga isdang katulad ng hito, dalag, tilapia, at ayungin.
4. Tsanel
Ito naman ay isang malawak na anyong tubig na makikita sa pagitan ng dalawang pulo. Dito lumalakbay ang mga barko upang pumunta mula sa isang pulo hanggang sa isa pang pulo.
5. Talon
Ang talon ay galing sa mga matataas na lugar at nahuhulog sa ibaba.
6. Look
Ginagawa itong arbor para sa mga sasakyang pandagat dito sa Pilipinas.
7. Kipot
Isang anyong tubig na napakakitid na pinagitan ng dalawang anyong lupa.
8. Golpo
Isang bahagi ng karagatan na makikita sa pagbubukas ng dagat.
9. Ilog
Isang malawak at sariwa na anyong tubig na dumadaloy patungo sa dagat. Ang mga sariwang isda ay dito kinukuha.
10. Batis
Isang maliit na uri na bunga ng isang bukal
11. Sapa
Mas mababaw at mas maliit pa kaysa sa batis. Ginagamit ito nga mga magsasaka para ipatubig ang kapatagan.
12. Bukal
Ang pinakamaliit na anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa na maatring mainit o malamig.