HALIMBAWA NG TANAGA – Mga Maikling Tulang Pinoy
HALIMBAWA NG TANAGA – Heto ang mga iba’t ibang mga halimbawa ng tanaga o mga maikling tula nga mga Pilipino. Uunahin muna natin ang kahulugan nito.
Kahulugan
Ang tanaga ay isang maikling tulang katutubong Pinoy na kadalasang ginagamit ang wikang Tagalog. Dahil sa kasikatan niya sa ika-20 na siglo, ito ay minsang pinaghalo sa wikang Ingles.
Halimbawa
Nahihiya ang dalaga,
Makahiya
Mukha’y ayaw ipakita.
Nagtatago sa balana,
Sa hipo ay umaalma.
Wala iyan sa pabalat
Pag-ibig ni Emelita Perez Baes
at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap
ang pag-ibig na matapat.
Mataas sa pag-upo,
Aso
Mababa ‘pag tumayo.
Kaibigan kong ginto,
Karamay at kalaro.
Alipatong lumapag
Tag-init ni Ildefonso Santos
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!
Palay siyang matino,
Palay ni Ildefonso Santos
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
Itong dumapong langaw
Mataas Pa
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.
Maraming mga bagay,
Paslit
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?
Inumit na salapi
Kurakot
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.
Magsikhay ng mabuti
Sipag
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.
Puso ko’y sumisigaw
Pipi
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!
Tuloy iyong orkestra
May alak at musika
Lahat ay nakapunta
Liban lamang sa masa.
Multo sa Labas ng Opera House
Ako’y may tula
Mahabang-mahaba
Ako ay uupo
Tapos na po
Isang Birong Tula
Ang anyo mo ay sipi,
Isip-Kolonyal
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha’y natali,
Sarili’y inaglahi.
Pag ang sanggol ay ngumiti
Sanggol ni Emelita Perez Baes
nawawala ang pighati,
pag kalong mo’y sumisidhi
ang pangarap na punyagi.
Naaayon sa kuwento,
Kawayan
Nilalang ay galing dito,
Walang pinto, puro kwarto,
Doble sarado-kandado.
BASAHIN DIN – TALATA – Ang Kahulugan, Mga Uri, At Mga Halimbawa