ANO ANG ALAMAT – Kahulugan at Halimbawa Nito

Paliwanag Kung Ano Ang Alamat & Halimbawa Nito

ANO ANG ALAMAT – Narito ang kahulugan ng alamat at ang halimbawa nito.

Ilan sa mga kwentong palaging pinag-uusapan ng mga tao ay ang mga alamat. Maririnig mo ito sa paaralan man o sa kalye. Bata o matanda ay mahilig dito.

Subalit, hindi lahat sa atin ay pamilyar na ang mga kwentong ito pala ay mga alamat. Kadalasan, tinuturing lang natin itong mga kwento-kwento sapagkat yung iba ay mahirap talagang paniwalaan.

Sa artikulong ito, ating tatalakayin kung ano ang alamat at magbibigay rin tayo ng halimbawa nito.

Alamat
Photo Courtesy of Writers and Books

Ano ang alamat?

Ang alamat ay itinuturing na isang kwentong bayan na nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Kahit na walang makakapagpatunay kung totoo ba talaga ang mga sinasabi sa mga alamat, iilan lamang ang mga taong nagtatanong tungkol sa katotohanan ng mga ito.

Halimbawa ng Alamat:

Ang Alamat ng Bulaklak

Noong araw, may isang hari raw at ang kanyang anak ay si Prinsesa Buna. Lingid sa kaalaman ng hari, umibig ang kanyang anak sa kanilang hardinero sa Lakal.

Palaging pumupunta sa hardin ang prinsesa upang makasama si Lakal. Siya ay naibigan rin ng binata at palagi silang namamasyal ng magkahawak ang kamay.

Isang araw, nalaman ng hari ang mga nangyayari at siya mismo ang nakakita kina Prinsesa Buna at Lakal. Palihim niyang inutusan ang isang kawal niya na ipatapon ang hardinero.

Sinunod ng kawal ang utos ng hari. Ilang araw ring malungkot at pabalik-balik sa hardin si Prinsesa Buna kakahintay kay Lakal. Walang hardinero na dumating sapagkat wala na ito.

Isang araw, hindi na muling nasilayan sa palasyo si Prinsesa Buna. Pumunta ang hari upang hanapin ang nag-iisa niyang anak sa hardin. Nakita na lamang niya ang isang halaman na may magandang bunga na kasing-kulay ng buhok ng prinsesa.

Tinawag na Bunalak ang halaman na iyon at kalaunan ay naging bulaklak.

Bukod sa kwenting ito, may isa pang alamat — ang Alamat ng Rosas.

Leave a Comment