SALAWIKAIN – Kahulugan At Mga Halimbawa
SALAWIKAIN – Sa paksang ito, ating alamin natin ang kahulugan ng salawikain o proverbs sa Ingles at ang mga halimbawa nito.
Kahulugan
Kilala rin sa Ingles bilang Proverbs, ito ay ang simple, konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.
Halimbawa
- “Batang puso, madaling marahuyo”
- “Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda”
- “Ang magandang asal ay kaban ng yaman”
- “Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila”
- “Ang matapat na kaibigan, tunay na maasahan”
- “Walang paku-pakundangan sa yunay na kaibigan”
- “Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot”
- “Ang hindi marunong sa sariling wika, daig pa ang malansang isda”
- “Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka ng maluto’y iba ng kumain”
- “Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay-kubo na ang nakatira ay tao.”
- Ang inyong kakanin, sa iyong pawis manggagaling”
- “Ang lumalakad nang mababaw, kung matinik ay mababaw, ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim”
- “Ako, ikaw, at sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng kapalaran”
- “Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay”
- “Ang tong walang kibo nasa loob ang kulo”
- “Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.”
- “Ang araw bago sumikat, nakikita muna’y banaag.”
- “Gaano man ang iyong lakas, daig ka ng munting lagnat”
- “Ang utang ay utang, hindi dapat kalimutan.”
- “Ang lalaking tunay na matapang, hindi takot sa pana=panaan.”
- “Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa”
- “Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas”
- “Ang pili ng pili, natapatan ay bungi.”
- Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.”
- “Madaling pumitas ng bunga, kung dadaan sa sanga“
- “Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula”.
- “Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi”
BASAHIN DIN – Mga Matalinghagang Salita At Ang Ibig Sabihin Nila