Mga Kahulugan & Halimbawa ng Di-Malayang Sugnay at Di-Malayang Sugnay
MALAYANG SUGNAY AT DI-MALAYANG SUGNAY – Narito ang kanilang mga kahulugan at halimbawa.
Isa sa mga pinakamalawak na asignatura ay ang Filipino. Ito ay itinatalakay mula pre-school hanggang kolehiyo. Ito ay naka-sentro sa pag-aaral sa wikang Tagalog.
Hindi maikakaila na minsay ay nakakalito rin ang mga aralin sa asignaturang Filipino. Kadalasan, mas bihasa pa ang mga Pinoy na mag-aaral sa Ingles.
Subalit, hindi dapat tayo tumigil sa pag-aaral ng ating sariling wika. May mga pamamaraan kung paano mapadali ang pagka-intindi natin ng mga aralin sa Filipino – isa na rito ang pag-aaral muna ng mga pundasyong topiko.
Isa sa mga topiko na masasabing pundasyon sa pag-aaral ng iba pang mga topiko sa Filipino ay ating pag-aaralan sa artikulong ito.
Ngayon, ating tatalakayin ang kahulugan at halimbawa ng malayang sugnay at di-malayang sugnay.
Malayang Sugnay
- Ito ay tumutukoy sa sugnay na makapag-iisa. Mayroon itong simuno at panaguri at nagpapahayag ng isang buong ideya.
Mga Halimbawa:
- Umalis ng maaga si Jaime.
- Binigyan ng tsokolate ni Dante si Mina.
- Walong biik ang inihanda para sa kaarawan niya.
- Pupunta ng simbahan sina Jules at Romina.
- Nagluto ng hapunan ang nanay.
- Nagtinda ng buko ang magkapatid sa parke.
- Binigyan siya agad ng pera ni Aling Pasing.
- Sa bayan na mag-aaral si Rommel.
- Tumalon ng mataas ang bata nang walang takot.
- Kunin mo ang kumot sa kama.
Di-Malayang Sugnay
- Ang sugnay na ito ay sugnay na hindi makapag-iisa. Hindi ito nagpapahayag ng isang buong ideya. Minsan walang simuno, minsan naman walang panaguri.
Mga Halimbawa:
- Kung pupunta ka
- Sakaling uulan mamaya
- Kahit hindi pa siya tapos
- Kung darating ang mag-ama
- Kahit gabihin pa
- Sakaling darating sila Rey
- Kahit wala pa ang doktor
- Kung aalis siya nang maaga
- Sakaling papayag ang ahente mo
- Kahit wala kang pera
Maraming salamat sa pagbisita sa pahinang ito. Sana’y marami kayong natutunan mula rito.
BASAHIN RIN: Ng At Nang – Kaibahan & Wastong Paggamit ng “Ng” at “Nang”