BUGTONG – Mga Halimbawa At Ang Mga Sagot Nila

BUGTONG – Mga Halimbawa At Ang Mga Sagot Nila

BUGTONG – Sa paksang ito, narito ang mga iba’t ibang mga bugtong na kailangan natin alamin at ang sagot ng bawat isa sa kanila.

BUGTONG

Ang bugtong, o kilalanin minsang bilang palaisipan, pahulaan o patuturan, ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o isolba.

Heto ang halimbawa ng mga palaisipan. Para makita ang sagot, i-highlight ang pula na kahon na parang ganito:

BUGTONG
Animation by: Ouja Kiyoshi

Halimbawa

1. Dalawang batong itim, malayo ang narating. Ano ito?

MGA MATA

2. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko. Ano ito?

NGIPIN

3. Nakayuko ang reyna, di nalaglag ang korona. Ano ito?

BAYABAS

4. Baboy ako sa pulo, ang balahibo’y pako. Ano ito?

LANGKA

5. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin. Ano ito?

SAGING

6. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo. Ano ito?

SITAW

7. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang karutay. Ano ito?

TALONG

8. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo. Ano ito?

PAKO

9. Mga puno walang bunga, may dahon walang sanga. Ano ito?

SANDOK

10. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Ano ito?

BARIL

11. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap. Ano ito?

UNAN

12. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw. Ano ito?

SOBRE

14. Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo’y parang tagayan, alagad ng kalinisan. Ano ito?

WALIS

15. Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo. Ano ito?

WATAWAT

16. Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako. Ano ito?

PLATO

17. Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak. Ano ito?

POSPORO

18. Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali. Ano ito?

SAPATOS

BASAHIN DIN – SALAWIKAIN – Mga Bunga Ng Kaalaman At Mga Halimbawa

Leave a Comment