Ibong Adarna – Buod Ng Isang Sikat Na Epikong Pilipino
IBONG ADARNA – Sa paksang ito, alamin nating ang buod ng isang sikat na epikong Pilipino tungkol sa isang ibon at tatlong prisipe: ang Ibong Adarna.
Ang epikong ito ay isang tulang pasalaysay na kinilala rin sa boung pamagat niya na “Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania”.
Pinaniniwalaan na isinulat nito ni Jose de la Cruz sa palayaw na Huseng Sisiw. Ito rin ang isa sa mga pinakamahalagang tula sa Panitikang Pilipino at pinapaaral at ginagawang teatro sa unang taon ng hayskul.
Ito ang buod ng kuwento:
Buod
Nagsisimula ito sa tatlong kapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na nais kukunin ang Ibong Adarna na makikita sa puno ng Piedras Platas sa Bundok ng Tabor upang ipagagamot ang kanilang amang si Haring Fernando.
Ang mahiwagang huni ng ibon ay umano’y makapagpapagaling lamang sa sakit ng kanilang amang hari.
Nagdaan silang tatlo sa pagsasanay ng pananandata na kinakailangan ng prinsipe. Subalit hindi ito sapat para makuha nila ang ibon.
Ginawang bato sina Don Pedro at Don Diego dahil sa awit ng ibon. Subalit nagtagumpay na dinakip ni Juan ang ibon sa tulong ng mahiwagang gamit na galing sa matandang ermitanyo.
Nasagip ni Don Juan ang kanyang mga kapatid subalit pinagtaksilan siya at muntik nang namatay. Inagaw ni Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna at iniwan si Don Juan sa malalim na balon.
Diyan siya natagpuan at sinagip ni Doña Maria at dinala sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig ang don sa kapatid ni Maria na sina Doña Leonora at Doña Juana.
Dumaan si Don Juan sa mga pagsubok ni Haring Salermo upang mapakasal siya sa isa sa mga tatlong Doña at natagumpay siya.
Ikinasal ni Don Juan si Doña Maria at namuhay ng maligaya sa nakamit niyang kaharian.
BASAHIN DIN: EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal