Heto Ang Mga Kilalang Personalidad Sa Larangan Ng Panitikan
PANITIKAN – Ang panitikan o ang pagpapahayag ng kaisipan, ideya o saloobin ay may ibat-ibang uri at heto ang ilan sa kanila.
Ang mga uri ng panitikan ay may ibat-ibang gamit at kahulugan. Sa pagpapahayag gamit nag pagsusulat, nag iiba-iba ang mga tono, rhythm at iba pang aspeto ng akdang sinulat.
Sundan ang link na ito para sa kahulugan, uri, anyo at mga halimbawa ng panitikan.
Heto ang ilang mga kilalang mga manunulat sa kasaysayan ng bansa:
DR. JOSE RIZAL
Hindi lang tanyag sa pagiging bayani si Dr. Jose Rizal. Bilang isang henyo, sya ay nakilala rin sa larangan ng pagsusulat. Nakagawa sya ng kauna-unahan nyang akda noong siya’y walong taong gulang pa palamang. Ang akda ay pinamgatang “Sa Aking mga Kababata.”
FRANCISCO BALTAZAR
Ang sikat na manunulat ng Florante at Laura ay isa ring beteranong makata at mandudula. Sa kanyang galling ay kinilala siyang “Ama ng Panulaang Tagalog.”
GRACIANO LOPEZ JAENA
Itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad noon pang 1889. Siya rin ang pinaka una-unahang patnugot nito. Bukod pa don, siya rin may akda ng tanyag na sanaysay na pinamagatang “Fray Botod.”
MARCELO H. DEL PILAR
Ang hindi alam ng marami ay si Del Pilar ang nagtatag ng kauna-unhang diaryong tagalog noon pang 1882. Siya rin ang pumalit sa posisyon ni Lopez Jaena sa La Solidaridad. Isa sa kanyang mga akda ay ang “Dasalan at Tocsohan.”
JOSE PALMA
Si Jose Palma naman ay sumulat dati ng tulang EspaƱol na pinamagatan niyang “Filipinas”. Ang mga tiktik sa sa Pilipino sa ating awiting pambansa ay nakabatay pa sa tula ni Palma. Eto ang tumulak upang maging kilalang manunulat si Palma.
Ilan lamang ito sa mga tanyag na manunulat. Ito ay ibinase sa sulat mula sa seasite.
Nkatulong ba ang sulat na to sa inyo? Ano sa tinging nyo?