Kahulugan ng Idyoma & Mga Halimbawa at Ibig Sabihin ng Bawat Isa
IDYOMA – Narito ang kahulugan ng “idyoma” sa Filipino at ang mga halimbawa nito.
Mula kinder hanggang kolehiyo, marami tayong natututunan sa asignaturang Filipino. Isa ito sa mga asignaturang palaging parte ng kurikulum.
Sa ilalim ng mga asignaturang Filipino, yung antas ng mga topiko ay naka-ayon mula sa pinakamadaling matutunan hanggang sa mga mahihirap na topiko.
Sa elementarya, isa sa mga topiko na itinuturo sa ilalim ng asignaturang Filipino ay ang idyoma. Ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito.
Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng idyoma at mga kahulugan ng bawat isa:
- ilaw ng tahanan – ina
- haligi ng tahanan – ama
- bukas ang palad – matulungin
- taingang kawali – nagbibingi-bingihan
- buwayang lubog – taksil sa kapwa
- malaki ang ulo – mayabang
- pantay na ang mga paa – patay na
- maitim ang budhi – tuso
- kapilas ng buhay – asawa
- bahag ang buntot – duwag
- balat-sibuyas – mabilis masaktan
- kusang-palo – sariling sipag
- usad pagong – mabagal kumilos
- itaga sa bato – ilagay sa isip
- may bulsa sa balat – kuripot
- ibaon sa hukay – kalimutan
- pagsunog sa kilay – pag-aaral ng mabuti
- nakalutang sa ulap – sobrang saya
BISITAHIN: BAHAGI NG PANGUNGUSAP – Ano Ang Simuno at Panaguri | Mga Halimbawa Ng Mga Nito
gff
im blue
Bakit hindi madaling magsalin ng mga idyoma ng bawat wika?
Pantay na ang mga paa-patay na
pantay ba paa mo