“Sa Bawat Solusyon Sa Problema, Alam Kong Ikaw Lord Ang May Gawa”

Naranasan mo na bang biglang makatanggap ng solusyon sa problema at nasabi mong galing talaga kay Lord iyon?

SOLUSYON – Sa lahat ng pagkakataon ang galing talaga ng tayming ni Lord lalong-lalo na sa pagbibigay solusyon sa mga problema.

Ang problema ay isa sa mga bagay na hina-harap natin araw-araw. May mabigat, may medyo magaan lang, at mayroon namang sobrang bigat. Nakaranas ka na ba na parang hindi mo na kakayanin?

Subalit, panigurado, may solusyon na dumating hindi ba? Kadalasan nga masasabi na lang natin na, “Alam kong Ikaw iyon Lord” sa sobrang perpekto ng tayming ng Panginoon.

Solusyon

Ika nga, ang Ama ay hindi nagpapabaya sa mga anak Niya at ang bawat problema na ibinibigay sa atin ay may kasagutan. Kadalasan masakit man ito, ito rin ang paraan upang maging matibay tayo at maging mas matibay ang pananalig natin sa Kanya.

Kaya kung dumating man sa punto na sa palagay mo ay hindi mo na kakayanin, huwag na huwag kang mawawalan ng pag-asa.

Gaano man kalaki ang iyong problema, laging mong tandaan na ang ating Panginoon ay ang Panginoon ng lahat. Walang imposible sa Ama, Siya ang sagot sa bawat problema.

Leave a Comment