Pagtatalakay Sa 2 Bahagi ng Pangungusap at Mga Halimbawa ng Simuno at Panaguri
BAHAGI NG PANGUNGUSAP – Narito ang isang pagtatalakay sa simuno at panaguri at kanilang mga halimbawa.
Isa sa mga leksyon na itinuturo sa atin sa Filipino sa elementarya ay ang bahagi ng pangungusap. Isa rin ito sa mga pinakamahalagang dapat nating maunawaan upang mas madaling matutunan ang ibang pang mga leksyon sa Filipino.
Sa ilalim ng aralin na ito, itinatalakay ang simuno at ang panaguri.
Ang simuno at ang panaguri ang dalawang bahagi ng pangungusap na may kanyang-kanyang silbi. Hindi kaaya-ayang basahin ang isang pangungusap kung isa sa kanila ay wala.
TINGNAN:
Ano ang Simuno?
Ang simuno ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong ngalan ng tao, pook, pangyayari, hayop, at iba pa.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa simuno at sa mga halimbawa nito, bisitahin: SIMUNO – Ano Ang Simuno At Mga Halimbawa Nito.
Ano ang Panaguri?
Ang panaguri ay tumutukoy sa kung ano ang ginagawa ng simuno o nang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik at kadalasang nakasunod sa simuno sa pangungusap.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa panaguri at sa mga halimbawa nito, bisitahin: PANAGURI – Ano Ang Panaguri At Mga Halimbawa Nito.
Maraming salamat sa pagbisita sa Philnews.ph. Nawa’y may natutunan kayo mula sa artikulong ito. Para sa mga komento at iba pa, maaaring mag-iwan ng mensahe sa pamamagitan ng komento sa ibaba.