Tatlong(3) Antas ng Pang-Uri at mga Halimbawa
PANG-URI – Kilalanin ang tatlong (3) uri ng pang-uri – ang Lantay, Pahambing, at Pasukdol, at mga halimbawa ng mga ito.
Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang Pang-uri. Ito ay tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Maaari rin itong magbigay turing sa isang panghalip.
Ano ang tatlong(3) antas ng Pang-uri?
Mayroong tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri – ang Lantay, Pahambing, o Pasukdol. Bawat isa sa kanila ay may pinagkaiba.
- Lantay – ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang ipinaghahambing na dalawa o maraming bagay. Ang mga halimbawa nito ay maganda, mataas, mabigat, at mahinahon.
- Pahambing – ito ay nasa pahambing na antas kapag may pinaghahambing na dalawang pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay mas maliit, magkasing-lapad, at mas kasya.
- Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito ay pinakamatalino, pinakamatapang, at pinakamalaki.
Mga Halimbawa ng Pang-Uri:
Lantay: Maganda si Loisa.
Pahambing: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.
Pasukdol: Pinakamaganda si Loisa sa kanilang magkakaibigan.
Lantay: Mataas ang bundok sa probinsya ng Malapatin.
Pahambing: Magkasing-taas ang mga bundok sa probinsya ng Malapatin at Hinanduraw.
Pasukdol: Pinakamataas na bundok ang bundok sa probinsya ng Malapatin.
Lantay: Maagang umuwi si Patrick kagabi.
Pahambing: Mas maagang umuwi si Patrick kagabi kaysa noong isang araw.
Pasukdol: Pinakamagaang umuwi si Patrick dahil nagmamadali itong makapagligpit sa bahay nila.
Lantay: Bago ang bahay ng Pamilya Ramirez.
Pahambing: Higit na mas bago ang bahay ng Pamilya Ramirez kaysa Pamilya Cruz.
Pasukdol: Pinakabago sa kanilang lugar ang bahay ng Pamilya Ramirez.
Lantay: Malakas ang ulan kaya hindi kami agad nakaalis.
Pahambing: Magkasing-lakas ang ulan ngayon sa ulan kahapon.
Pasukdol: Pinakamalakas na ulan ngayong linggo ang ulan noong sabado.
Hi