UP Graduate Slams President Duterte: “Ang dami nang ginawang kalokohan ni Duterte pero wala lang sa inyo.”
A UP graduate named Kevin Mandrilla questioned the Filipino people: “Ang dami nang ginawang kalokohan ni Duterte pero wala lang sa inyo.”
President Rodrigo Duterte has been leading the Philippines for almost three years now in his own style, which was never experienced by the Filipinos before.
Mr. Duterte has both supporters and critics who always watch his every actions and decision in leading the country.
Recently, a Facebook user named Kevin Mandrilla has expressed his sentiments online and lambasted President Duterte on his recent post.
Mandrilla, a supporter of the Liberal Party shared his frustration with the Duterte administration, which allegedly brings harm to the Philippines.
The UP alumnus discussed the previous and the currents issues in the country since Mr. Duterte took the leadership.
Here is the full post:
“Kapag disente ka magsalita, naiinis sila. Plastik daw. Kapag naman ginaya mo yung paraan ng pagsasalita nila, naaasar pa rin sila dahil bastos daw at parang hindi raw nagaral.
Kapag nag-English ka, masyado ka raw nagmamagaling. Kapag nag-Tagalog naman, hindi rin naman papakinggan ang sinasabi mo kun’di mumurahin ka lang at sasabihan ng kung anu-ano.
Ang nagiging malinaw lang sa bawat pag-atake nila ay hindi naman talaga ito tungkol sa wikang gamit o kung paano ka magsalita.
Ang gusto lang nila ay manahimik ka. Hindi nila matanggap na may mga taong pumapalag sa dami nila, mga taong ayaw uminom sa parehong basong nakapagpalasing sa kanila.
Lalong-lalo na kapag bata ka. Ang dalas maliitin ng sinasabi mo kesyo hindi ka pa buhay nung panahon ni kopong-kopong at marami ka pang dapat kaining bigas.
Puwes, ito ang tanong ko sa kanila.
Dahil lang sa galit ninyo sa dilaw, hinayaan niyo na lang ang gobiernong ito na pumatay nang libu-libong Pilipino? Hinayaan nyo lang din na gawin tayong katatawanan ng mundo at hinayaan nyo na lang maliitin tayo ng gobiernong Tsino. Uulitin ko, dahil lang galit kayo sa dilaw. Napakababaw.
At dahil pinagmamalaki ninyo ang edad ninyo — ibig sabihin sa tanda ninyong yan, ganun pa rin kayo kadaling paniwalain at paikutin? Nasabihan lang kayo ng change is coming bumigay agad kayo. Ang dami nyo nang naranasan at narinig na mga pulitiko tapos sa isang iglap, dahil lang sa isang tao, nakalimutan nyo na agad ang mga bagay na dapat alam nyo na. Ilang beses ba tayo dapat madala sa mga politikong mahilig mangako para lang manalo?
Ipapaalala ko lang na kayo ang dapat gumagabay sa mga kabataan pero bakit kayo mismo ang naliligaw? Ang dami nang ginawang kalokohan ni Duterte pero wala lang sa inyo.
At sino ang nakikinabang sa huli? Kayo ba? Mga anak nyo ba? Ang bansa ba? Hindi. Lahat ng ito para lang sa isang politiko na ang pinakaplataporma na ay pumatay ng tao.”
The social media users have also expressed their reactions on the post:
What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.