Ang Maikling Kwento Tungkol kay Maymay at sa kanyang Aso at Pusa
MAIKLING KWENTO – Narito ang maikling kwento tungkol kay Maymay at sa kanyang aso at pusa.
“Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa”
Nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Iña si Maymay kung kaya’t parang kapatid na ang turing na sa kanyang mga alaga. May aso siyang si Bruno at pusa na ipinangalanan niyang si Kiting.
Araw-araw, naglalaro sina Maymay, Bruno, at Kiting. Kahit ang mag-asawa ay nagagalak sa saya sa mukha ng kanilang nag-iisang anak tuwing nakikipaglaro ito sa mga alaga niya.
Subalit, hindi alam ni Maymay na may inggitan na nangyayari sa pagitan nina Bruno at Kiting. Isang araw, habang nasa talyer si Mang Tibo nagtratrabaho at si Maymay naman ay sumama kay Aling Iña sa tindahan, nag-away ang dalawa.
Hindi sinasadyang nalalag si Kiting kay Bruno na siya namang natutulog sa sala ng munting bahay ng pamilya Santos. Nagising ang aso at nagalit dahil mahimbing na sana ang tulog niya.
Hinabol ni Bruno si Kiting at nang madatnan niya ito ay pinag-kakagat niya. Hindi naman nilakasan ng aso ang pagkaka-kagat sa pusa pero may nagdulot ito ng mga maliliit na pasa.
Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay Bruno. Hindi niya ito pinakain habang awang-awa siya kay Kiting. Nais ng bata na matuto raw ang aso kaya ginawa niya ito kahit masakit rin sa kanya.
Nanghina si Bruno at masakit ang loob niya sa parusa ni Maymay. Umalis ulit si Aling Iña at ang anak niya. Saktong pag-sarado ng pintuan, itinulak ni Kuting ang kanyang kainan patungo kay Bruno.
BASAHIN RIN: Maikling Kwento: Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas
Hinang-hina, bumangon ang aso at kinain ang natitirang pagkain sa kainan ng pusa. Si Kuting naman, umupo lang sa gilid at pinanood lang ang aso na kumain. Nasiyahan si Bruno sa ginawa ng pusa at nagkabati rin sila.
Subalit, masama pa rin ang loob ng aso kay Maymay. Noong dumating sila ng nanay niya ay hindi ito lumapit, tanging si Kiting lang. Nilapitan ng bata ang alagang aso at hinimas-himas ang ulo nito.
“Bruno. Galit ka pa rin ba sa akin? Laro na tayo ni Kiting. Ikaw kasi, huwag mo na ulit kakagatin si Kiting, e, ang liit-liit pa naman niya,” sabi ni Maymay sa aso.
Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi na niya papagutoman muli si Bruno. Nagsisi rin siya sa ginawa niya sa aso at ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya paparusahan ang mga alaga kahit ano pa man ang mangyari.
Parang naintindihan naman ni Bruno ang sinabi ni Maymay at agad-agad itong tumayo at lumapit sa pintuan – hudyat na gusto na niyang makipaglaro.
Simula noon ay hindi na nag-aaway sina Bruno at Kiting. Hindi na rin nagagalit ang aso sa tuwing hindi sinasadyang malaglag sa kanya ang pusa at magigising siya mula sa mahimbing niyang tulog.
Araw-araw, dinadalhan ni Maymay ng espesyal na pagkain sina Bruno at Kiting. Nawala na ang takot ng pusa sa malaking aso.
Ano ang masasabi mo sa maikling kwento na ito? Pwede mong ibahagi ang iyong reaksyon o ang aral na iyong natutunan mula sa maikling kwento sa pamamagitan ng komento.
Ilan sa mga aral na makukuha sa maikling kwento na ito:
- Huwag magpadala sa galit o inggit
- Ayusin ang problema sa pamamagitan ng pag-uusap dahil minsan ang parusa ay hindi rin mabisa, mas lalo nitong mapapalala ang sitwasyon
- Madaling nakakapag-lambot ng puso ang kabutihan
- Mahalin ang mga hayop
Ang Ganda ng storya
Ano po ang tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at wakas sa kuwentong ito
Maganda ang mga kwento. at nakakaiyak naman