Pinay Migrant Worker In Iraq Sells ‘Suman’ & ‘Malagkit’ For Extra Income
A Pinay migrant worker in Iraq was selling ‘Suman’ and ‘Malagkit’ for an additional income so she could send a larger amount of cash for her family.
Overseas Filipino Workers (OFWs) are living a hard and difficult life working abroad just to earn a huge amount of cash to give their family and loved one a better future.
However, some OFWs abroad chose to do sideline jobs due to financial struggles to have additional income.
Recently, the Facebook page “RhazVlog” has shared a heartbreaking story of a Pinay OFW in Sulaymaniyah, Iraq selling ‘suman’ and ‘malagkit’ to gain extra income.
The Filipina worker opted to sell Filipino native delicacies to her fellow OFWs in Iraq to earn additional income.
Here is the full story:
“Hi guys Share ko lang.
Kanina kumain ako sa Jollibee sa may Sulaymania,nakita ko si ate. Sa kalagitnaan nang sandstorm. Ang kapal nang alikabok pero ang tibay ni ate at ang tyaga nya.
Ate: Kabayan bili kana, masarap to.
Me: kamote po yan? Sige po mamaya paglabas ko po order lang ako sa loob.
Paglabas ko nawala si ate.tapos pumunta ako sa Tinapayan andun pala si ate lumipat sya nang pwesto.
Me: ate pabili isa.
Ate: Salamat sir, sana maubos na ito para makauwi na.
Me: deep inside(????)
Suman at malagkit inaalok nya para sa mga kabayan natin, marahil ay kakarampot na kita para sa iba pero para kay ate malaking tulong ang benta nya, siguro pandagdag nang gastusin o pampadala sa pamilya o kung anu man di ko alam, basta ang alam ko saludo ako sa katulad ni ate. Sa kabila nang init at kapal nang alikabok at sa bansang dayuhan ay napakasipag nya,
At sa mga kabayan natin na bumibili sa kanya, malaking tulong yun para kay ate. Maraming salamat.
Para sa mga kamag-anak namin sa Pilipinas…,
Hindi po mayayaman ang mga ofw. Karamihan sa amin pinapasok kahit na anung sideline makadagdag lang nang kita at para maibigay ang mga pangagailangan ninyo sa pilipinas. Katumbas nang bawat sentimong pinapadala namin ay ang katotohanan na madalas wala na sa tamang oras ang pagkain namin sa araw-araw, madalas kulang kami sa tulog kakaisip nang kung anu-anung solusyon para matupad namin ang mga pangarap namin para sa inyo. Nawalan nadin kami nang hiya dahil kahit anu gagawin namin maibigay lang namin ang mga gusto nyo.
Simple lang ang hiling nang isang OFW. Sana maisip nyo din kami, sana sa mga simpleng paraan maalala nyo din kami. At sana maintindihan nyo din kami pag kulang ang nabibigay namin. Malayo kami sa inyo, pero araw-araw sa kabila nang pagod at hirap isa lang ang dalangin namin, na sana maging maayos kayo na nanjan sa Pilipinas kahit kami dito madalas ay nahihirapan na. Malungkot dito, mainit, pero para sa inyo, magtitiis kami……
Salamat ate sa masarap na kamoteng minatamis at sa inspirasyon. ❤️
#RhazVlog #RhazBlog”
The social media users lauded the Pinay work for her determination and perseverance to gain extra income:
John Dale M Celis: “Kaka touch, ang galing mo friend, naway mapukaw ang damdamin ng iba tungkol sa pagtingin sa ating mga OFW n akalay pinupulot lng ang Pera ditto”
Dex Renegado Pedrajas: “Buti pa si ate nagsisikap talaga Ng husto para may mapakain Lang sa pamilya pero mga mga KADAMAY mapapamura ka Ng putang ina eh nang-aangkin na Ng buhay gusto pa lebri lahat tubig at kuryente may allowance pa sa goberno mapapamura ka talaga”
Jhonliza Santillan: “ Sana Makita ko din sia para makabili me naglaway ako sa kamote binalot sa dahoon”
Bryan Bansagan: “Nakaka iyak kabayan. Sobrang hirap ng bubay ng mga ofw. Di lang nila alam kng anu ang hirap sa bawat sintimong ating hinahagilap”
Mirasol Gumumbal: “ Nkaka touch.. totoo po lhat ng sinabi nyo ako din ay may kpTid na nsa qatar khit nhihirapan na cia dun tinitiis lng nya lhat khit nagka ulcer na cia dhil wala sa tamang oras pagkain nya tapos lgi ciang puyat pero kinakaya nya lhat un..”
Wala Ako Pake: “Yan ang mga kabayan ntn na nag susumikap at nag hahanap ng ibang pag kakakitaan pra lng my maipaDala , my maipantustos sa pamiLya . Sa hirap ng buhay lahat ng ofw nag titiis khit malayo sa pamiLya . Sana ung mga nanay / tatay na ofw maging mabuti naman kaung anak . DahiL ndi nio alam kung ano hirap ng pagiging ofw ? pra lng my maibigay sa inyo”
What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.
You can also read Pinay OFW Allegedly Suffering From Depression Climbs Overhead Bridge In Singapore