Mocha Uson Reacts To Bashers Who Questions Her Right To Study

PCOO Asec. Mocha Uson Reacts To Bashers Who Questions Her Right To Study

The PCOO Assistant Secretary Mocha Uson has reacted to the bashers who were questioning her right to study after she decided to study law.

The Presidential Communication Operation Office (PCOO) Assistant Secretary Esther Margaux “Mocha” Justiniano Uson or popularly known as Mocha Uson is one of the staunch supporters of President Rodrigo Duterte.

Uson was defending President Duterte from his bashers through her social media post.

Mocha Uson

However, the 35-year-old government official was receiving criticisms from her basher online because of allegedly posting fake news on her Facebook page.

The bashers were also questioning her capacity and intelligence to perform her role as PCOO assistant secretary and reports of her possible Senate candidacy.

Recently, Mocha Uson has posted her photo at Arellano University School of Law (AUSL) stating on her caption that she will start to study law starting January 2018 to obtain additional knowledge.

Mocha Uson

However, bashers have questioned her right to study. Here is the full post of Mocha:

“ANO BA ANG ISSUE SA AKING KAGUSTUHAN NA MAG-ARAL NG LAW?

Ganito po kasi yan mga ka-DDS:

Una, isa sa mga itinuro sa akin ng aking mga magulang ay matutong makinig sa mga tao, maging sa mga kritiko. Kaya nga po ako ay humihingi na rin ng advice sa iba’t-ibang tao. Binabasa ko din po ang mga komento ninyo sa ating page. Madami po akong nabasa na mag-aral daw po tayo ng LAW. Kaya tayo po ay nag-inquire sa Arellano University School of Law (AUSL).

Pangalawa, hindi naman po kaila sa lahat na ang aking ama ay isang Judge, na binawian ng buhay dahil sa kanyang tuwid na pagpapatupad ng batas. Hanggang ngayon ay naaalala ko po ang kanyang kagustuhan na mag-law ako, kung kaya’t nais ko rin pong pagbigyan ang kanyang kagustuhan na ito kagaya po nang aking pagbigyan noon ang kahilingan ng aking ina na mag-duktor at tinapos ko ang BS Med Tech at umabot ng 2nd year Med Proper.

Sabi naman ng mga bashers at trolls (unfortunately yung iba mga Law student pa) wala daw po akong karapatan na mag-aral ng Law at paano daw ako nakapasok ng hindi pumapasa sa Philippine Law School Admission Test (PhiLSAT).

Ganito po yan. Nagpunta po tayo sa AUSL upang alamin ang proseso kung paano po makapag-enroll. Sinabi po ng Dean doon na sa April pa ang PhiLSAT o ang entrance exam para sa Law pero pwede na daw po ako magsimula ng January mag enroll ngunit ito ay non-credited. Maganda daw na makapag-aral na kaagad ako para bago mag entrance exam may kaunti na po akong kaalaman sa Law. Kaya yun po ang aking gagawin.

Ang mga nagmamagaling na bashers naman ay sinasabi na hindi daw ako pwede mag-aral ng Law. Ngayon ko lang nalaman sa Pilipinas pala pati ang pag-aaral ay ipinagbababawal na din kung hindi ka nila type. Sinabihan nila ako na wala akong alam sa batas at noong gusto ko nang
mag -aral bash pa din? Ano ang tawag sa kanila? Ganyan na ba kabulok ang ugali ng ilang kababayan natin? You want to become a better person pero people will still pull you down? No wonder walang nangyayari sa bayan natin, dahil sa ilang mga utak talangka.

Sabi naman ng iba dahil daw sa gusto ko tumakbo ng Senador kaya ako mag-aaral. Lahat nalang kailangan ikunekta doon? Baka pati pag-utot ko ikokonekta na sa pagtakbo ko daw sa Senado. Kayo pala ang maagang nangangampanya, maagang nangangampanya laban sa akin.

Public Servant po ako, wala naman po sigurong masama kung nais ko pang makatulong sa mga kababayan natin. Kaya din gusto ko pa po mag-aral para alam ko ang pasikot sikot sa batas. Kasi gustuhin ko man o sa ayaw ang sistema sa gobyerno ay masalimuot. Paiikutin ka ng batas para tumagal ang bagay-bagay. Kaya tumatagal din ang serbisyo sa mga mamamayan dahil sa bulok na sistema sa gobyerno. Kaya mas malaki ang ating matutulong kung alam natin ang mga batas.

Meron po akong mga abugado na nasa ating opisina (Social Media Office). Ginagabayan nila ako pero aaminin ko na mas mabilis ang magagawa namin kung alam ko po mismo ang mga termino o ang basic law. Kaya wala naman po sigurong masama na gustuhin kong pag-aralan ito. Matapos ko o hindi ang LAW, ang importante ay matuto tayo. Let us not stop learning habang buhay pa tayo. Sabi nga nila, hindi dapat nagtatapos ang pagdadagdag ng kaalaman. Malay niyo baka sa susunod Journalism naman ang aralin natin.

Yun lang po muna mga kaDDS. I love you all.”

Mocha Uson

What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.

You can also read Xander Ford Finally Found, Reveals Reason Behind Disappearance

Leave a Comment