“ALL AROUND HOUSEMAID” Roselyn Pacia Graduates from College Despite Devastating Deaths in Her Family

Being an all around housemaid and having devastating deaths in her family did not hinder Roselyn Lanutan Pacia to graduate from college.

The Bachelor of Science in Business Administration: Major in Financial Management graduate is taking the internet by storm with her heartening story that has inspired thousands of netizens.

Read the story of Roselyn Pacia below:

“ALL AROUND HOUSEMAID”
NAGWORKING STUDENT ngayon GAGRADUATE!

Gusto ko e share yung kwento ko hindi para magpasikat kundi para mang inspire. Marami nagtatanong ano ba trabaho ko bakit lagi ako nagpopost na proud working student ako? Yes,hindi ko po kinakahiya na ako ay isang KASAMBAHAY, proud kasi dahil sa isang kasambahay makapagtapos ako ng pag-aaral ng sariling pagsisikap, 5 years kong sinuportahan sarili ko na hindi umasa sa pamilya ko.

Pang lima sa walong magkakapatid,lumaki na broken family. Bata pa lang ako natuto na ako magtrabaho sa bukid,pagtatanim ng palay,tubo,mais,pag-ooling at kong ano-ano pa.   Siguro yung hindi ko pa na try ay yung pag-aararo.  Naranasan ko din dati na magtrabaho gaya ng pagdadamo tapos yung sahod 60php a day at 8hours na bilad ka sa araw (nakarelate lang mga taga province). Malayo ang Elem. at High School sa amin. Sa Elem. 2kilometer at sa High School naman 5 kilometer,nilalakad lang umaga’t hapon ma swerte na kong merun sasakyan na dadaan at papasakayin kami ng libre. Masaya na kahit 20php lang ang baon sa buong linggo,minsan wala pa. Sa kabila ng kahirapan nagpursigi pa rin ako na makapagtapos. After graduation ko nun nag apply ako ng scholar kay mayor MALABOR, OK na mga requirements ko nun tapos sinabi ng kapatid ko kong mag-aaral ako sino magbibigay sa akin ng allowance?? Walang magsusuporta sa akin. Hanggang sa nagdecide na lang ako magtrabaho as kasambahay,siguro mga 10months ako nagtrabaho sa probinsiya. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa na di makapag-aral,lagi ako nagdadasal na LORD SANA MAKAHANAP AKO NG AMO NA MABAIT , OK LANG MABABA MAGPASAHOD BASTA MABAIT, AT ITURING AKO BILANG PAMILYA.

2010 unang punta ko dito ng Maynila, para magtrabaho. Hindi madali ang buhay sa Maynila lalo na kong galing kang probinsiya. Ang swerte mo kong makatagpo ka ng amo na mabait. May naging amo ako dati na binibilang ang pagkain sa ref. tapos pagkain namin na mga kasambahay sardinas at noodles. Makakain lang kami ng isda o karne kapag binigay na ang sahod, tapos kapag kunin mo naman sahod mo tatanungin kapa kong ipapadala mo ba sa probinsiya?? Gustong gusto ko umuwi na nun pero tiniis ko para sa pamilya ko. Tsaka mahal ng pamasahe sa barko kong uuwi .  

FF: 2011 naging yaya din ako ng 4months old na anak ng foreigner,6months ko siyang inalagaan. Subrang bait naman nila sa akin at may plano silang pumunta ng States kaya naghanap na din ako ng malilipatan. ( Salamat ate Greatchen Villanueva Shultz )
December 2011 nagtext sa akin ang dating amo ko sa probinsiya na naghahanap ng kasambahay ang pamangkin niya sa Marikina. Hindi ako nagdalawang isip,alam ko kasi na yung pamangkin ni ta Belay (amo ko dati) na nagpapaaral siya ng kasambahay. January 5, 2012 unang pasok ko sa kanila ni ATE HEART (boss ko) at sinabi niya sakin na pwede ako mag-aral sa gabi pagdating ng pasukan. Sinamahan niya ako kumuha ng exam sa PLMar. Ang saya-saya ko nun,sinagot na ni LORD mga panalangin ko. Noong 1st year ako sa 29units, 9units lang pina take ni ate sa akin kasi 6pm lang ako pwede magstart na pumasok, so yung klase ko 6pm-9pm. 9units lang kasi hindi ko kaya yung tuition fee kapag lumagpas ako ng 15units dahil sa probinsiya ako nag graduate ng High School at mas mahal yung tuition fee kapag di ka graduate ng Marikina . Sahod ko ang binabayad ko sa tuition bale time binigay ng amo ko na makapag-aral. Ang swerte ko kasi di aabot ng 5k tuition fee per semester. Yung sahod ko na 3K binabawasan ni ate,depende kong magkano tuition ko from may-october kinakaltasan niya, yung natira allowance ko buong buwan. Sa araw naghahatid sundo ako sa alaga ko sa School. After ko maghatid uuwi ako ng bahay,maglilinis,maglalaba at magluluto. Tapos sa hapon hinihintay ko pa si ate na dumating ng bahay na galing office tsaka ako papasok kasi walang kasama alaga ko . Tas minsan nalalate na ako pumasok kahit na gabi na start ng klase ko,commute lang si ate from Ateneo so traffic.

2nd year 15 units lang tinake ko sa gabi pa rin ako pwede pumasok, ang hirap mag irregular student. Yung bawat subject iba-iba section mo, iba-iba ang nakakasalimuha mo minsan nahihiya kapa pumasok. 3rd year di ako nag enroll ng subject ng 3rd year,binalikan ko ang mga naiwan kong subject sa first year at 2nd year, tsaka pinayagan ako ni ate na habang nasa school alaga ko papasok din ako sa school. Pumapasok ako sa umaga 7am-11am tas uuwi ng bahay maglalaba,maglilinis,magluluto tas prepare naman ulit para sa pang gabi na schedule.. Yung pahinga ko 4-5hours lang, lagi ako umiiyak kasi subrang nahihirapan na ako, gusto ko na mag give up pero sa puso ko gusto ko makatapos ng college.

Pang 4 years ko,subrang daming problema sa pamilya ko nagpaalam ako kay ate na di na ako mag-eenroll pero di niya ako pinayagan. Sabi niya sa akin “ ANG BILIS LANG NG ORAS AT TAON,DI MO MAMALAYAN GAGRADUATE KANA.”  KUNG INIISIP MO PAMILYA MO,MATUTULUNGAN MO DIN SILA KAPAG NAKATAPOS KANA, MALAPIT MO NA MATAPOS MARAMI KANA PINAGDADAANAN,NGAYON KAPA BA SUSUKO??” iyak ng iyak ako nun at nagdasal,yung feeling na lahat sinasabi mo kay LORD,ang gaan sa feeling. Kinabukasan nun sinabi ko kay ate na itutuloy ko ang pag-eenrol. Nag-enroll ako ng 30units, so ganun pa rin papasok ako sa umaga tas sa gabi,plus may thesis.. Lagi sumasakit ulo ko kulang kasi sa tulog,pagtapos ng klase 9pm gumagawa kami ng thesis ng mga ka groupmates ko,umuuwi hatinggabi na. Bawal kasi ako mag overnight kasi may pasok sila ni ate at alaga ko, 4am gigising ako para magluto ng babaonin nila.

FF: March 27,2016 I received a call from my cousin na namatay si tatay,kinabukasan mag-eenroll ako nun summer class. Hindi sana ako mag-eenroll kasi uuwi ako ng province yung pang tuition fee ko ipamasahe ko pauwi pero nong sinabi ko kay ate na namatay si tatay,sinabi niya sakin na bago ako umuwi ng probinsiya aayusin ko muna enrollment ko. So umuwi ako,after libing ng tatay ko bumalik ako agad ng maynila kasi may pasok na summer class. Ang dami kong iniisip at ang laki ng pera na nahiram ko kay ate para sa balikan kong ticket sa barko at pocket money,pero good news pagdating ko sinabi ni ate na hindi ko na babayaran ang hiniram kong pera sa tuition fee ko na lang ang kakaltasan niya. After ng summer class ko mag-eenroll na ulit ako ng 4th year then I was received a call na namatay kapatid ko sa bicol (MAY 24,2016)    Subrang sakit,yung sakit na namatay si tatay naging triple na namatay ate ko.    Sa mga nangyayari gabi-gabi kinakausap ko si LORD na umiiyak at nagpursigi pa ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
4th year 2nd sem OJT ko na Mon-Sat pasok ko pero pag TTHS halfday lang pasok ko kasi merun pa akong 3 subj. Na sabay sa OJT ko. Subrang hirap,bago ako pumasok ng office naglilinis na ng bahay tas nagluluto na ako ng dinner (7am pa lang)   yung pasok ko kasi 9am-6pm,so gabi na minsan ako makakauwi,hirap kasi sumakay tas traffic pa. Hindi nagagalit amo ko basta may pagkain lang pag-uwi niya from her office. Salamat SLECC natapos ko din pag OOJT ko 
THANK YOU LORD,THANK YOU DUARIO FAMILY,THANK YOU PLMar,THANK YOU MY FAMILY AND FRIENDS.

From Philnews.ph, we extend our congratulations to Roselyn Pacia and to all the graduates of batch 2017.

What can you say about the story of Roselyn Pacia?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more inspiring stories, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

Leave a Comment