Atty. Europa’s Open Letter to Sen. Trillanes Went Viral on Facebook

Mayor Rodrigo Duterte of Davao City became the latest target of alleged black propaganda by his opponents and those people who tried to put the Mayor down but a lawyer and a Certified Public Accountant from Davao City, Atty. Europa came to the rescue for Mayor Duterte.

Caesar Europa
Photo Credit: Atty. Europa & All Things Pinoy

See Also: Manny Pinol Saddened with the State of Philippine Journalism

An Open Letter to Senator Trillanes posted by Atty. Caesar Europa went viral on Facebook after the controversial meeting between the senator and Mayor Duterte’s lawyer Atty. Panelo at the BPI Julia Vargas branch. According to the lawyer he was hurt with the allegations of Sen. Trillanes that the mayor had an ill-gotten wealth particularly the P211 million alleged deposit of the Davao City mayor.

Atty. Europa cited some loopholes and on Sen. Trillanes’ affidavit which according to some Duterte supporters was used sensationally by the numerous news media in the Philippines as well as the alleged keyboard warriors and bloggers who supported the candidacy of the other presidential candidates.

The veteran lawyer and CPA also noted on his letter that he wants all the Filipino voters to expose his letter and hopefully could reach the desk of Sen. Antonio Trillanes.

Here’s the Viral Open Letter of Atty. Europa:

OPEN LETTER TO SENATOR TRILLANES
May 2, 2016
MR. ANTONIO F. TRILLANES, IV
Senator
Senate of the Philippines
Manila
Dear Mr. Trillanes,

Sana po umabot sa inyo itong liham kong ito para naman malaman nyo ang niloloob ng isang mamamayang Pilipino tungkol sa ginawa ninyong may ukol sa sinasabi ninyong tinatagong kayamanan ni Mayor Rodrigo Duterte.

Bilang isang Bisaya, hindi po ako sanay sa Tagalog pero Tatagalugin ko po, sa hangganan ng aking makakaya, ang liham na ito para maintindihan ng nakararami.

Sa umpisa pa lang gusto kong ilahad na ang liham na ito ay personal kong opinyon at walang kinalaman sa kung ano mang katungkulan na hinahawakan ko sa anumang organisasyong kabilang ako.

Ako po ay taga Davao City at sumusuporta po ako sa kandidatura ng aming Mayor na si Rodrigo Duterte.

Ako po ay isang abogado at bilang abogado, naiintindihan ko na ang bawat mamamayan ay may kalayaan na maglahad ng kanyang niloloob or nais sabihin sa ilalim ng ating Konstitusyon liban lamang kung ang sasabihin ay makakasama sa dangal o pangalan ng isang tao ng walang matatag na basehan.

Ito po ay totoo lalo na kapag isang may katungkulan sa pamahalaan ang nakakatanggap ng pintas mula sa isang mamamayan. Ayon nga sa ating Korte Suprema, hindi maaring balat sibuyas ang mga may katungkulan dahil kaakibat ng kung ano mang kapangyarihan na hawak nila ang pagtanggap ng pintas tungkol sa pamamaraan ng kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.

Dahil po rito ay di ako gaanong nagbibigay ng pahayag tungkol sa mga tapunan ng batikos ng mga politiko lalo na at eleksyon nga ngayon. Paminsan-minsan dinaraan ko sa pangutyang kalokohan ang niloloob ko pero hindi ko masyadong sineseryoso.

Subalit, nung nabasa ko po kaninang umaga ang pinirmahan ninyong Affidavit or Sinumpaang Salaysay, ako po ay tunay na NADISMAYA at medyo NAGALIT. Hindi po ako nagalit dahil si Mayor Duterte ang pinaparatangan ninyo. Di lang po siya magaling na mayor, siya rin po ay magaling na abogado at marami rin siyang mga kasamang magagaling na abogado na kayang-kaya saguting ang mga paratang ninyo. Sinabi ko na nga, bilang isang may katungkulan, kaakibat ito ng kanyang buhay lalo na at tumatakbo sya bilang Presidente ng Pilipinas.

Ako po ay NADISMAYA AT NAGALIT dahil po sa aking pagbasa ng inyong pinagmamalaking Affidavit, ay nalaman ko na WALANG KALAMAN LAMAN NA BASEHAN ang inyong mga sinasabi.

UNA, sabi po ninyo sa inyong affidavit na ang mga dokumentong ipinapakita ninyo ay nanggaling as isang NAGPAKILALA NG SARILI NYA SA INYO BILANG JOSEPH DE MESA. “NAGPAKILALA”. Ibig po sabihin nito na HINDI NINYO SYA KILALA at wala kayong alam sa pagkatao niya. Sa pagkakaintindi ko nung Abril 21, 2016 lang ninyo sya UNANG nakausap. Mukha namang napakabilis ninyo pinaniwalaan ang isang tao na noon nyo lang nakita lalo na at napakabigat ng kanyang mga paratang. Kung totoong tao talaga ito si JOSEPH DE MESA, hindi kaya mainam na kinunan nyo muna siya ng Sinumpaang Salaysay at kinilala nyo muna an kanyang pagkatao, at siniyasat ng mabuti ang kanyang mga sinasabi, bago nyo isinambulat ang sinasabi nyong mga paratang nya laban kay Mayor Duterte?

PANGALAWA, sinabi nyo rin sa inyong Affidavit na AYON KAY JOSEPH DE MESA, ang mga dokumentong ibinigay niya sa inyo ay HINDI GALING SA KANYA, kung hindi nagmula pa sa isang HINDI PINAPANGALANAN at sinasabing malapit na kamag-anak niya na, ayon sa kanya, ay kawani ng isang ahensya, ahensya ng pamahalaan sa pagkakaintindi ko, na nag-iimbistiga ng mga tinatagong kayamanan mula sa pandarambong ng mga may katungkulan sa pamahalaan. Paratang ba ito sa Office of the Ombudsman o sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC), na sa kanila nagmula ang mga dokumento umano tungkol sa mga bank account ng mga Duterte?

Samakatuwid, PINANIWALAAN NINYO AT ISINAMBULAT SA PUBLIKO ang mga paratang ni JOSEPH DE MESA na HINDI NAGMULA SA SARILI NYANG KAALAMAN kung hindi GALING LAMANG RIN sa IPINASA UMANONG IMPORMASYON SA KANYA na NAGMULA sa isang HINDI PINAPANGALANANG KAMAG-ANAK na nagtatrabaho sa isang HINDI PINAPANGALANANG AHENSYA? Hindi naman kayo nagduda man lang kung totoo ba ang mga paratang at dokumentong ipinsasa sa inyo nitong si JOSEPH DE MESA na inaamin naman ninyong IPINASA LANG RIN sa kanya?

Sa salitang kalye po ay CHISMIS ang ibinigay sa inyo nitong si JOSEPH DE MESA. Madali po kayong maniwala sa CHISMIS? Hindi lang po yan, ang CHISMIS po ni JOSEPH DE MESA ay nanggaling rin sa CHISMIS na nagmula sa DI PINAPANGALANANG kamag-anak niya na mula sa DI PINAPANGALANANG ahenysa UMANO.

Hindi ko po alam sa inyo pero sa amin po ang tawag sa taong madaling maniwala at nagkakalat ng CHISMIS ay CHISMOSO.
PANGATLO, sinabi rin po ninyo sa inyong Affidavit na inyong SINURI NG MABUTI, “VETTED” po ang INGLES na ginamit ninyo, ang mga dokumentong ibinigay umano sa inyo nitong si JOSEPH DE MESA. Sa aking kokonting nalalaman sa Ingles ay ang ibig po sabihin ng salitang “VETTED”, lalo na sa mga tulad ninyong nagmula sa militar, ay MASUSING PAGSUSURI. Ibig po sabihin nito ay sinasabi ninyo na tiningnan nyo umano sa masusing paraan at imbestigasyon kung TOTOO BA ang mga dokumentong ibinigay sa inyo at kung totoo ba ang mga nakalahad rito. PAPAANO po ninyo ginawa ang MASUSING PAGSUSURI e sa sinasabi ninyo nung ABRIL 21, 2016 lang kayo nagkita at sa pagkakaalam ko iilang araw lang mula noon ay ISINAMBULAT NA NINYO SA PUBLIKO ang mga paratang ninyo kay Mayor Duterte?

ISA PA PO, sa pagkakaalam ko rin ay ITINANGGI NA ng BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS at ng AMLAC na sa kanila nagmula ang mga dokumentong hawak ninyo. PAPAANO PO kayo gumawa ng MASUSING PAGSUSURI kung wala naman kayong maikukumpara sa mga dokumentong ipinasa sa inyo ni JOSEPH DE MESA na, UULITIN KO, nagmula sa HINDI PINAPANGALANANG kamag-anak na kawani sa isang HINDI PINAPANGALANANG ahensya?
Ang sinabi nyo po sa inyong Affidavit ay SINURI NINYO at ng mga ACCOUNTANT NINYO ang mga dokumento sa pamamagitan ng pagkumpara sa nakalahad rito sa mga SALN ng mga Duterte. Ang ibig sabihin nito ay PINANIWALAAAN NA NINYO ang mga dokumentong ibinigay sa inyo ng hindi ninyo kakilalang si JOSEPH DE MESA na, UULITIN KO PONG MULI, nagmula sa HINDI PINAPANGALANANG kamag-anak na kawani sa isang HINDI PINAPANGALANANG ahensya?

Hindi ko po matanggap na may mga ACCOUNTANT na pinayagan ang ganitong pamamaraan. Nakalimutan ko pong sabihin na hindi lang po ako abogado isa rin po akong Certified Public Accountant. Kaya alam ko po na NAPAKAIMPORTANTE sa isang accountant na sa kanyang mga pagsusuri ay sigurado sya sa katotohonan ng mga dokumento at impormasyon na sinusuri nya.
KAYA PO AKO NADISMAYA AT NAGALIT nung mabasa ko ang Affidavit ninyo. Lumalabas po ang katotohanang NILOLOKO NINYO ANG SAMBAYANANG PILIPINO!

Baka naman sabihin ninyo na dahil eleksyon ngayon ay normal ang NAGLOLOKOHAN. Totoo po ito, kaya nga po sinabi ko na di ako gaanong nagbibigay ng opinyon ukol sa batikosan sa pulitika normal nga ito.
Ang HINDI PO NORMAL at HINDI KO PO MATANGGAP ay ang pangyayari na isang NATURINGANG SENADOR NG REPUBLIKA NG PILIPINAS ay nagawang LOKOHIN ANG SAMBAYANAN.

SENADOR PO KAYO, napakataas po ng katungkulan ninyo sa pamahalaan at dahil nga po mataas ang katungkulan ninyo ay binibigyan po ng bigat ng mga mamamayan ang mga sinasabi ninyo. Bakit naman ninyo nagawang MAGSAMBULAT NG MGA PARATANG na wala naman talaga kayong TOTOONG BASEHAN?.

Di lang po kayo SENADOR, nanggaling po kayo sa Philippine Military Academy. Nasaan na po ang Courage na maging makatotoo, ang Integrity sa inyong katungkulan, ang Loyalty sa mamamayang Pilipino? NASAAN NA PO?
Huwag na po natin pag-usapan ang pagiging illegal ng pinangalingan ng mga dokumento na ginagamit ninyo, dun na lang po tayo sa inyong katungkulan bilang Senador at graduate ng PMA.

SANA PO AY BINIGYAN NYO NG KAHIHIYAN ANG katungkulan ninyo bilang Senador at pagiging alumnus ng PMA.
Sa pagtatapos po ng liham ko na ito gusto ko pong sabihin sa inyo na hindi pa po huli ang lahat puwede pa po kayo HUMINGI NG TAWAD. Hindi po patawad ni Mayor Duterte kung hinde patawad ng SAMBAYANANG PILIPINO.
Dito na lang po,

CAESAR S. EUROPA
Pilipino, Davaoeno, Abogado
IN THAT ORDER PO

Source: Atty. Europa FB Page

19 thoughts on “Atty. Europa’s Open Letter to Sen. Trillanes Went Viral on Facebook”

  1. I hope Mr.Trillanes wont commit SUICIDE after REALIZING that his IMAGINARY FRIEND cant help him. You fooled the entire country, not once but alot!

    Reply
  2. Diba po sbi mo duwag c mayor.. Kaw po anu twaq sa inyo ? Bobo na senador,, kung tutututuusin, law dapat ang kasohan ehh kc nilabag mo po ang batas ng banko. Tigilan new na po yan,, kc dapt mannlo ka kso sinira mo ung tiwala ng tao ehh iboboto ka sana.. Peru mabuti nrin yun kc para alm ng tao kng any ka talga.na senador.. Tama po ba na PKI alaman yung privacy ng tao.. Kahit ikaw po cgru paq pinaki alaman ung privacy mo magglit ka rin.. Bkt kaya hnd mo nlng iladlad yung privacy mo para mkta din ng mga tao kng any talga!! Tinganan mo Tully wala kana mga friend iniwan kana dahil ka ginawa mo.. Break ndw kayo ni magdalo..

    Reply
  3. Kahanga-hanga po kayo Atty. CAESAR S. EUROPA…..maraming salamat po sa pagbahagi ng inyong kaalaman at paglilinaw sa kasalukuyang usapin , kasama nyo rin po ako at ng aking pamilya sa pagsuporta sa ating nag-iisang tatay Digong, mabuhay po kayo !

    Reply
  4. well written letter from a Certified Public Accountant na tulad ko at I am sure isang mahusay sa abogado…naipaabot po ninyo ng mahusay ang inyong saloobin at napakalinaw na paglalahad kung paano binabaluktot ni Sen Trillanes ang batas lalo na sa pagaakusa at pagkalap ng ebidensiya…

    Reply
  5. If you cannot rebut this well written letter nor ask forgiveness for what you did, you’re really a SHAME to your fellow senators, a SHAME to the milatary establishment where you came from, aSHAME to the academy where you graduated and most of all a SHAME to the filipino people you’re trying to fool I just don’t know if you are a SHAME to your family because there’s a saying “blood is thicker than water”

    Reply
  6. You’ve nailed it atty. Europa. At the expense expense of the filipino people nya pa gustung lukuhin ang mga filipino. Shame to this what you called mutineers senator.. Ganito kaya siguro sya mag command sa mga tao nya..

    Reply
  7. Akong gitagaan ug panahon ang imong explanation atty. Europa., kahit hindi naman po ako naka graduate ng koleheyo, naintindihan ko po . Akoy humanga sa inyo bilang abogado ,hindi lang abogado kun di accountant pa., good job atty. Mabuhay ka..

    Reply
  8. he stalked the p(removed)age of salary standardization law. So what do we expect from a “courageous” leader who has the gall to call himself a senator.

    Reply
  9. senador pa nman parang umasta na walang pinag-aralan,,
    huli kasi sya sa survey kaya pagkatapos sirain c VP Binay c Mayor duterte na naman,, sundalo pa naman, ni kasamahan nya sa pagkasundalo na namatay sa mamasapano di nya binigyan ng pansin,sa ganitong klase na tao,, d dapat bigyan ng pansin at supporta, pwera lng kung inutusan talaga sya na sirain ang ating darating na pangulo Pangulong Rodrigo Duterte, dahil kulilat sa survey, naghahanap ng chimis para mapansin sya at masabi ng tao na dapat sya ihalal bilang VP. BILANG ISANG BOTANTE wag mo kaming gawing gago senator Trillanes.

    Reply
  10. drastic moves..tsk tsk..ngaun pah? eh gusto n ng tao ng pagbabago..naniniwala n ang pinoy n c duterte makakagawa nun..kaya back off trillanes..

    Reply
  11. sen. trillanes bubu ka wala kang delicadisa pma graduate ka pera ng bayan ang nagpaeskul sa yo ngayun pinagtrayduran mo pa ang boung masa boung bayan nga piliinas wala kang utak chismoso ka ang action mo hindi ka lalake ano kaba bayut ka ba trillanes,,, magkano ba ang ibniayad sa iyo no roxas at ni noynoy pa pinoy pinoy pa subalit wala namang asawa cguro duoble blade yan si pinoy ang tawag ninyo ……. huhuhuhuhuhu saan na ng mag finacial na galing sa iabang banasa na itulong dapat sa yolanda victims… dapat ibala kayu sa caayun pinapahiraan ninyo ang mga pilipino……nagpatawag si aquino ng press conference nagsabe na magtulungan silang ga ibang presendetiables agains duterte ……..aquino action speaks louder tha words na TALAGANG TAKUT SILA NA MANALO SI DUTERTE…..

    Reply
  12. Sumagot na ang taong bayan kay Trillanes. Hindi man lang umabot ng isang million na botong nakuha. Wala pang 2%. Sana huwag makalimut ang taong bayan sa susunod na tatakbo uli siya sa pagkasenado ay huwag na siyang ibalik senado at nag aaksaya lng sya ng buwis ng bayan.

    Reply

Leave a Comment