Elizabeth Oropesa’s Open Letter to Mar Roxas Went Viral

Veteran actress Elizabeth Oropesa shared her sentiments with regards to the latest issue in the Philippines involving the head of the DILG, Sec. Mar Roxas and the Mayor of Tacloban City, Mayor Romualdez.

See Also: Korina Sanchez Using DA Events to Campaign for Mar Roxas

Elizabeth Oropesa

The 59-year-old Elizabeth Oropesa wrote an open letter blasting Mar Roxas, the open letter was shared via her friend Fanny Serrano’s Facebook account. The open letter went viral immediately after it was shared thousands of times.

As of posting time the viral open letter of Elizabeth Oropesa had already garnered more than 8.7 K Shares, 12.3 Likes and 1.9 comments on Facebook, since it was posted on December 11, 2013.

Here’s the Open Letter of Elizabeth Oropesa:

See Also: Who are the Celebrity Supporters of Mayor Duterte?

SA TOTOO LANG
ELIZABETH OROPESA’s OPEN LETTER
TO THE PEOPLE CONCERN

“Pauna ko na po ang paghingi ng paumanhin sa mga maka-Mar Roxas.

“Hindi lang ako mapakali dahil kahit saan ko tingnan ay mali ang kanyang katwiran.

“Walang dahilan para pahirapan at huwag tulungan ang mga pobreng nasalanta ng bagyo, kahit sino pang Pilato ang nakaupo—kalaban man o hindi.

“Kung galit sila sa mga Romualdez, dapat parusahan nila ang mga Romualdezes!

“Hindi kailangan ang legalidad bago nila tulungan ang mga tao!

“Pare-pareho tayong mga Pilipino!

“Nakalimutan na ba ni Mar Roxas ‘yan?

“Sobrang pumapapel sa presidente na kung tutuusin at kung siya ay may puso at tama kung mag isip… hindi po ba napakagandang halimbawa kung ora mismo ay tumulong siya sa kalabang partido, alang- alang sa mga nasalantang kababayan?!!!

“Eh ano kung Romualdez yun at Aquino ang Presidente?

“Hindi ba Presidente siya ng lahat? Hindi ba sabi niya “Boss” niya tayo?

“Sana tama na ang palusot. Huli na eh! Nasaan ba ang puso mo sir?

“I’m sure meron naman kaya lang mukhang tumigas na at naluto sa ambisyon.

“Alam n’yo po, walang pulitika sa langit. Dedma rin sa apelyido.

“Ang importante ay kung paano ka magpatawad, magpakumbaba at tumulong ng buong puso at kaluluwa, hindi dahil sa pera o dahil sa boto.
“Nakita n’yo naman ang mga pinagdaanan ng LAHAT na presidenteng inabot ko.

“Si Apo Marcos..napakatalino! Pero ano ang nangyari sa talino at dami ng pera?

“Hindi rin niya nadala ng mamamatay siya.

“Marcos baby po ako at siya ang unang presidenteng nakilala ko.

“Sumunod ay si Ramos. Mukha bang masaya? Hindi rin.

“Si Pres Cory Aquino na ang sumunod.

“Ano po ba ang ikinamatay? Old age? Hindi po ba cancer?

“Kahit naging presidente, kahit naging hero ang asawang si B. Aquino, hindi pa rin nakaligtas sa cancer!

“Tapos si Erap. Sikat na artista at mahal ng masa. Kaso pumalpak din. Kulong!

“Si Presidente Gloria Macapagal- Arroyo..nakakulong pa rin.

“Oh?.anong pruweba pa ba ang kailangan?

“Hindi ba kahit sino ka, kahit gaano ka ka powerful..kahit ano pa ang apelyido mo hindi ka lulusot???

“Sana po, kayong mga may kapangyarihang tumulong sa kapwa, bigyan ninyo ito ng tamang pagpapahalaga dahil hindi kailanman natutulog ang Dios.

“Gamitin ninyo ng tama ang kapangyarihan at perang hawak ninyo para mailigtas ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan din ng pagtulong sa mga nangangailangan.

“Tama na po ang gantihan ng gantihan. Maawa na kayo sa atin.

“Nakakahiya sa Dios at nakakahiya sa mga bansang tumutulong sa atin.

“Hindi po ako nagmamalinis o nagmamarunong.

“Marami din po akong kamalian pero malayong gawin ko ang mga ginagawa ninyong mga kabastusan at kahiya-hiyang pakikitungo sa inyong kapwa tao.

“Yun lang po.”

Source: Fanny Serrano’s Facebook Page

26 thoughts on “Elizabeth Oropesa’s Open Letter to Mar Roxas Went Viral”

  1. Di po ako maka duterte o nino mang presidential candidate ngayon, opinion ko lang po, bilang mamayang pilipino, sana po wag tayong maging bobo sa pagpili ng kandidato wag po tayong maging manghid sa nangyayari, kayo pong nasa position alam ko mpong takot kayongb mawalan ng trabaho lalo na pag di nyo binuto ang nsa psosisyon, pero po sana maawa kayo sa mga anak nyo na susunod sa inyo, hayaan nyo bangndadami ang krimen at lalong lalala ang kahirapan sa mga taong masarap lang magsalita.. Kung iisipin nyo po bilyon nagagstos nila pagtakbo ng pagiging pangulo kung tutuusin magkano po ba ang sahud ng isang presidente.?. Sa pera na nagastos nila sa pangampanya eh mabubuhay na sila ng sobra nyan kung tutuusin.. Pero may sarili silang agenda kaya ganun na lang ang pagsisikap nila na man(removed)o sa eleksyon. Mamayang pilipino wag po kayong maging manhid alam nyo po na niloloko lang tayo sa mga trapo na yan.. Bigyan po natin ng pagbabago ang sistema ng ating bayan.. Sa krimen,droga at korupsyon ay dapat po na mawala , yan po ang susi upang maging maayos ang ating bayan. Salamat po

    Reply
  2. Gusto ko ang sinabi mo, “Tama na po ang gantihan ng gantihan. Maawa na kayo sa atin. “Nakakahiya sa Dios at nakakahiya sa mga bansang tumutulong sa atin. — Pak na Pak!!!

    Reply
  3. The thirst for power of Mar Roxas extends from the time he gave way to Aquino’s candidacy. He think he’ll win over Erap if he ran in lieu of the sitting president. Because of what they did to the Yolanda victims we are now blacklisted and might not even get any donation from abroad. Lets just hope and pray that no calamities will come our way.

    Reply
    • tanong ??? meron pa bang naghahangad na makatulong. most of them sinasabing mawala na ang kahirapan, as time goes by at madami ng naupo nabawasan ba bagkos para silang gremlin na dumadami pa. mabawasan ang krimen 8 of 10 news daily tungkol sa rape, nalooban o aksidente (though hindi yan dapat isisi sa mga naka upo sariling pag iingat yan pero ang tanong may aksyon ba, mabilis ba? tapos na ang luha ng mga taong naapektuhan pero ang kaso patuloy na mabagal ang pag usad … mabagal kasi tayo sa lahat ng anggulo. sa pag unlad. sa pagtulong. sa pag aksyon. parang pelikula tapos na ng bidang patayin ang mga kontrabida sya naman dating ng tutulong.

      ala naman taong umupo na naging masaya ang tao. laging may batikos. laging may side comment. at lagi na lang hinahahanapan ng mali butas at ng mga nakaraang mali. wala na lang kayang umupo at magkanya kanya tayo baka … baka sakaling maa maging okay pa taong lahat para ala na din sisihan. ala ng may karapatang magnakaw o manakit.

      Reply
  4. Akala ko naman bagong opinion. Pumapapel din pala itong matandang itong papansin. Naipaliaanag na ni Roxas iyan. Lalo ng bobo ang mga pumipili ng mga magnanakaw, mga diktador atbp

    Reply
    • yot ni inam met sika ketdi a ti bobo. di mo ba nabasa nag sinabi nya. kahit anung partido tulungan mo di ung pinipili mo ang mga bumoto lang sayo.. alam mo makapabagtit ka bro. nu kasangsangu ka lang nabayag nga natagbat ko ta rupamun. dugyot nga awanan bain ka …

      Reply
    • ang point ni elizabeth eh yung pagiging SELECTIVE nya sa pagbigay ng tulong… Sabi ni MAR na mar dun sa video na “you are a Romualdez and the president is an Aquino” patungkol to sa paghingi ng tulong ni Romualdez sa mga nasalanta ng yolanda. Ikaw kaya… mamamatay na ang anak mo o asawa mo, humingi ka ng tulong sa presidente kaso nung malaman na kamag-anak mo yung family rival nila eh hinayaan kang mamatay… sa tingin mo fair yun?

      Reply
  5. vwer mas lalo ka ng bobo na hanggang ngaun di mo pa din nahahalukay baho ng kandidato mo. Your candidate cant even run for local office (Roxas city, his hometown) coz he’ll never win. He hasnt have supporters in his hometown except for the ff persons: 1. high ranking officials who have only loyalty in their pol party; 2. High ranking officials who were in debt of him for them to run in local ofc; 3. high ranking officials na hawak nya sa leeg & takot sa kanya (takot na hindi makakautang or hingi ng pondo oras na kelangan nla sa kampanya nla for their own agenda) na kapag hindi umayon sa kanya tanggal ka; 4. Mga tauhan nya na pnapasweldo nya. Cant you see he is only influential & supported by people who are hungry of power and money but those supports cannot be translated to ordinary people. what he doesnt know maraming government employees that supposed to be in his allies were a silent supporters of his opponent candidates…wag lang si roxas! Well, even when he ran in the senate he had a low turn out in his hometown. He can deceive others but not the people in Roxas city (have you ever read na may nagtanggol sa kanya from Roxas CITY? pls come forward if there’s any?) These poor people are fuming mad of roxas! What he had done during yolanda time is unforgiveable! Maka epal lang sa tacloban at takot mawala sa picture dun diniclare nya ang roxas city, sarili nyang bayan partially damaged? WTH! andun nga sya sa tacloban was he effective there? naging maaus ba ang distribution ng goods? Mar Roxas has limited comp(removed)ion to poor people kc never nyang naramdaman how it is to be poor. Mar roxas is a macro leader he’s not fit in handling disasters more so, handling national issues. we need someone who can walk the talk. He’s ok for senator but pls NO NO as president. He could be a good speaker for our country..he could deliver the message effectively (he can easily express good message when in reality it was otherwise)..in short super poker super pretentious face. A big No for Mar ROXAS! choose someone else.

    Reply
  6. Hindi yata nabasa ni Beth ang complete context ng sinabi ni Sec. Mar Roxas ng panahong iyon. She should have read Mareng Winnie’s explanation of what he actually said. Ito talaga ang problema, mahirap mag-kwento ng mga bagay na kulang ang ating kaalaman.

    Reply
    • Maybe she has read the whole context but what she is pointing out is that during ti,es of calamity or emergency, we should act as one and not divisive . How could you explain the simple words of Hon. MAr Roxas when he said to Mayor Romualdez, “remember you are a Romualdez and the president is an Aquino” what does he mean by that? That is what she also expresses here….Don’t get me wrong, for I am not a Digong Supporter, boyt I would like to fair in everything I do…

      Reply
    • hahaha uto2 ka pala… alam mo kung totoo kang nagmamalasakit sa bansa, dapat alam mo ang nangyayari sa paligid mo. ang problema, manhid ka, mabuti nalang konti lang ang taong kagaya mo sa pinas ngayon, konti nalng kayong tulog at nagtutulog- tulugan.

      Reply
  7. I am not a Digong supporter, but from what I gleaned on Beth’s post is that – we should act as one, especially during trying times – calamity, disaster etc. what do you think of Hon Roxas statement to Mayor Romualdez “remember that the president is an Aquino and you are a Romualdez” in connection with the help being asked/requested during the Yolanda typhoon aftermath…

    Reply
  8. Extending help in times of crises know no bounds. To consider one’s economic standing, power and position in life before handing over relief goods is outright unjust. Comp(removed)ion, generosity, genuine concern to those who most need them is a universal virtue; and never selective. May we be enlightened that in choosing our next leader, he/she exudes a genuine concern for the Filipino people, and the Philippines, as well. God bless us all.

    Reply
  9. Kahit ano pa explainasyon ng taong bayan na si roxas ganito c roxas ganyan mga negatibo lahat. Pag may dayaan mangyayari wla nman tau magagawa kasi pera ang tumatakbo para lang m(removed)o ang demonyo.

    Reply
  10. kups yan si elizabeth.. nasa abs cbn ako nag gygym noon… nagaantay ako elevator… pag dating.. hinarang kaming nagaantay na alalay niya.. and sila sumakay solo. kung gusto niya solong elevator sana nag antay siya dun sa next…

    Reply
  11. NO-NO to RO-RO. Roxas speaks a lot, he sounds like a girl. Born with a silver spoon but act like an illiterate. the way he speaks & words that comes out can tell that he’s arrogant & proud. A big Liar & pretender. The administration cut the financial aid for Yolanda victims to be used as his campaign fund for this election. Would you like to have a public servant like Roxas? Me? I will NOT vote for another Roxas who had done NOTHING even in his hometown!!!! .

    Reply
  12. Tama na ang sagutan…. Ang importante makapili tayo ng Presidente na mahusay, makatao, may malasakit sa tao, may konsensya, may takot sa Diyos at May pagmamahal sa bansang Pilipinas para sa pagbabago at kaunlaran.

    Reply
  13. kayong lahat examine your self had you extend a help to yolanda victims? kung may ron good for you you have the right to critisize mar roxas kung wala ….. wala kayong right’ period

    Reply
  14. alam ko protekcyon ang ibig nila kaya nagpapayaman ang mga politko,kung wala clang protekcyon madali clang mapatay tama ako jan,kac nga sa una palang mali nang pinaggagawa nila,hnd birong ninakaw na pera na iyan wala pang isang daan millon ang populasyon ng pilipinas billon ang pinag-uusapan,isang daang millon lang ang mawawala sa billon kung bibigyan lahat nang tig-iisang millon ang bawat tao sa pilipinas mayaman parin cla at walang kaso ang nagnakaw ng para sa mamamayan dpoba tama ang cnulat ko.kaso cnarili nila kaya butata kayo ngayon.

    Reply
  15. “you are a Romualdez and the president is an Aquino” hindi ko nakakalimutan the moment he said this! seeing many Filipinos died and cried for the help of the government officials ITO PA RIN ANG NASA ISIP NYA??. Honestly, binuto ko siya nung tumakbo siya for SENATOR, and that was one of my biggest mistake.

    Kung si Grace Poe, may issue na hindi sya pwede tumakbo as candidate for Philippines’ President dahil nga hindi Filipino Citizen. Ang sinabi ba ni MAR ROXAS ay MAKA PILIPINO?? Sa gitna nang TRAHEDYA AT HIRAP, RIVALRY parin ang iniisip nya?? Yan ba ang gusto nyo maging PRESIDENTE kahit nasa bingit ka na nang kamatayan POLITIKA PA RIN ANG NASA ISIP??

    Reply
  16. Tama ka Miss Oropesa, kawawa ang taong bayan.. Madami ng sakunang dumaan sa pilipinas, madaming mga magaganda bahay at magagarang kotse ang inanod at sinira ng kalikasan.. Pinakikita na satin ng Dyos, na kahit gano pa tayo kayaman, pagnagalit ang kalikasan isang iglap lang mawawala ito satin.. Pag namatay tayo, walang ano mang bagay ang pwede natin madala sa hukay.. Kaya sana, hanggat andito tayo sa lupa, gumawa tayo ng mabuti para sa kapwa natin… Napakaswerte ng taong mga me kapangyarihan, mga nakaupo sa gobyerno dahil madaming bagay ang kaya nilang gawin para tumulong sa kapwa natin.. Pero parang lahat ata sila naging gahaman sa salapi, salapi ng taong bayan.. Lahat gagawin nila para sa pangsariling kapakanan.. Ang mahirap ay patuloy lang naghihirap ang mayayaman e, lalong yumayaman.. Panahon na po ng pagbabago, kailangan nating pumili ng bagong pamunuan.

    Reply

Leave a Comment